Jasmine excited nang maging tita: Ayaw pang magbuntis | Bandera

Jasmine excited nang maging tita: Ayaw pang magbuntis

Ervin Santiago |February 07,2020
facebook
share this

Jasmine excited nang maging tita: Ayaw pang magbuntis

Ervin Santiago - February 07, 2020 - 12:55 AM

 

SUPER excited na rin ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis sa paglabas ng baby ng ate niyang si Anne Curtis.

“Sobrang excited na akong maging tita. I think that’s one of the roles I’m most excited for this year, more than anything,” pahayag ng dalaga sa ginanap na mediacon ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) kamakailan.

“It’s an addition to the family, another person to love. It’s just exciting to get to know our new addition sa family,” dagdag pa ni Jasmine. Aniya, feeling niya mas excited pa siya kay Anne at sa asawa nitong si Erwan Heussaff sa paglabas ng kanyang magiging pamangkin.

“When I had a younger cousin, I already felt so addicted to taking care of that cousin, what more if pamangkin ko. Feeling ko ‘pag wala akong work, tambay ako sa house nila, nag-aalaga or inaagaw ko ‘yung baby sa kanila,” sey pa ng aktres.

Nasa Australia ngayon si Anne at doon na manganganak next month, “I think she also wants to be with near mom and to spend time with mom during the very important time of her life and womanhood.”

At sa tanong kung gusto na rin ba niyang magkaroon ng sariling baby, “Oh please, long time from now. Not yet. When it happens, you know, at the right time. Ayaw ko naman magbigay ng oras like in five years.”

Halos apat na taon na silang magkarelasyon ni Jeff Ortega at naniniwala siyang sa tamang panahon ay magkakaroon din siya ng sariling pamilya, “Of course, I’m hopeful thinking na in a few years pa ‘yan but when it happens, if it feels right, hindi rin natin alam. Malay mo mag-propose next year. Well, joke! Ha-hahaha! Huwag muna.”

Samantala, excited na rin sila ni Anne sa pagsisimula ng Descendants of the Sun sa darating na Lunes. Talagang ipinagdasal daw nilang magkapatid na makuha niya ang role sa serye na unang ginampanan ng South Korean actress na si Kim Ji Woon.

Alam naman ng lahat ng adik sa mga K-drama si Anne at isa nga sa mga favorite nito ay ang DOTS na pinagbidahan ng former couple na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo na bibigyang-buhay naman nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa Pinoy version nito.

Si Rocco Nacino ang makakatambal niya sa pelikula na gaganap ding sundalo. Magsisimula na ang Descendants of the Sun sa Feb. 10 sa GMA Telebabad, kapalit ng The Gift.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending