Dating palaboy na nag-viral sa TikTok promotions manager na ngayon: 'Nu'ng na-interview siya sa trabaho, sobrang galing!' | Bandera

Dating palaboy na nag-viral sa TikTok promotions manager na ngayon: ‘Nu’ng na-interview siya sa trabaho, sobrang galing!’

Ervin Santiago - January 30, 2023 - 08:20 AM

Dating palaboy na nag-viral sa TikTok promotions manager na ngayon: 'Nu'ng na-interview siya sa trabaho, sobrang galing!'

Jeff de Vera

SIGURADONG maraming na-touch at na-inspire sa nakakalokang kuwento ng isang palaboy na biglang nagbago ang buhay dahil sa nag-viral niyang TikTok video.

November, 2022 kinunan ni Claudine Abel ng video ang nasabing palaboy sa lansangan na nagngangalang Sadha Shiva “Jeff” de Vera, 40 years old.

Makikita sa nasabing video na milyun-milyon na ang views ngayon, ang lalaki na hinahalik-halikan ang isang kuting. At in fairness, kumaway pa siya sabay ngiti nang makitang kinukunan siya ng video.

Nang mag-viral nga ito ay nag-post uli si Claudine sa TikTok ng iba pang video ng pagbisita niya kay Jeff sa lugar kung saan lagi itong nakatambay.

Sa panayam ng “Good News” sa GTV hosted by Vicky Morales, noong January 18, nagkuwento si Claudine tungkol sa viral video ni Jeff.

“In-upload ko lang siya sa TikTok, hindi ko ini-expect na magbu-boom yung video ko,” ani Claudine na  nakasakay noon sa kanyang kotse nang makita nga ang lalaking may bitbit na kuting.

Jeff de Vera

“Pagka-zoom in ko sa video, humarap si Kuya Jeff, kini-kiss niya ang pusa,” aniya pa.

Nalaman niya na animal lover at rescuer pala noon ang lalaki bago siya naging palaboy.

“Ako, which is meron naman ako kahit konti, nag-decide ako na balikan siya,” sabi ni Claudine na talagang nag-effort na tulungan si Jeff.

Bukod sa pagbibigay ng pagkain, binihisan at may pa-make over pa si Claudine kay Jeff. Hanggang sa maisip nga ni Claudine na dalhin ang palaboy sa insurance company na pinagtatrabahuhan ng kanyang partner.

“Naikuwento ko kasi sa kanila at nakita kasi nila na nag-trending yung video. Sabi ko bakit hindi natin bigyan ng chance na mag-work dito, tignan natin kung ano ba talaga yung skills niya.

“Nu’ng na-interview siya, sobrang galing niya din. Unang question pa lang, alam na niya kaagad sagutin.

“Kung ikaw yung kausap niya parang hindi mo iisipin na homeless talaga siya. Iisipin mo dati siyang super professional,” ang shookt na shookt na pahayag ni Claudine.

Naging utility personnel si Jeff at na-promote bilang promotions manager dahil sa kanyang angking galing at talino.

Ayon kay Ana Garsain, HR manager, “Obviously si Jeff, meron siyang good communication skills, basically isa yun sa mga main things na we look for sa amin pong marketing team.

“Meron siyang talent, meron siyang skills na I think kailangan lang mabigyan ng opportunity and chance,” aniya pa.

Kuwento naman ni Jeff, may inuupahan siyang bahay noon pero dahil sa COVID-19 pandemic nawalan siya ng trabaho kaya hindi na siya nakabayad ng renta.

“Kasagsagan nu’ng pandemic medyo naapektuhan po yung kabuhayan nung lahat. Wala naman akong magagawa. Wala naman akong pang-rent. Napagdesisyunan ko tumira na lang muna doon,” lahad ni Jeff.

Sa ilalim daw siya ng underpass sa Taguig nanirahan ng tatlong taon  kung saan nakasama nga niya ang ilang pusang gala.

At nang makapagtrabaho uli, umupa uli siya ng matitirhan, “Maganda po yung transition. Malaking tulong, malaking ginhawa kasi ngayon, mas nakakapag-ampon na ako ng mga animals sa streets.

“Nakakatulong na ako doon sa isang vet na tinutulungan ko at cat organization. Nakakabayad na ng upa,” sabi pa niya.

Ito naman ang mensahe ni Jeff sa lahat ng mga taong nawawalan na ng pag-asa sa buhay, “Wag po tayong padadaig sa pagsubok ng buhay.

“Kahit ano pang hirap, basta may gawin ka lang mabuti, basta may gawin ka lang maayos, darating at darating din ang biyaya para sa inyo,” saad pa ng dating palaboy.

Kilalang loveteam ayaw pang aminin ang relasyon kahit bukelya na; hunk model natakot kay Direk Tonette

Amy Perez dumipensa nang sabihang ‘very reckless’ dahil sa patuloy na pagbabalita kahit may sunog

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Korina sa interview niya kay Bongbong Marcos: His team chose the time and date

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending