MALIBAN sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, pasado rin sa batikang comedian-actor na si Michael V ang naging performance ng international stand-up comedian na si Jo Koy.
Kung maaalala, marami ang pumuna at bumatikos kay Jo Koy dahil “waley” umano ang mga ibinatong jokes sa kanyang hosting gig sa prestihyosong award-giving body na “Golden Globes Awards.”
Pero para kay Bitoy, nakakatawa ang naging jokes ng stand-up comedian.
“Jo Koy’s Golden Globes jokes are funny, direct and pretty much self-explanatory,” sey niya sa isang X (dating Twitter) post.
Wika pa niya, “The last thing @Jokoy should be doing is trying to explain it to people who purposely choose not to understand and appreciate them [poker face emoji]”
Baka Bet Mo: Banat ni Rendon: Ang t*nga talaga ni Jo Koy at sobrang hina, hindi lumaban
Jo Koy’s Golden Globes jokes are funny, direct and pretty much self-explanatory.
The last thing @Jokoy should be doing is trying to explain it to people who purposely choose not to understand and appreciate them. 😑
— 📺 Michael V. GMA 🇵🇭 (@michaelbitoygma) January 11, 2024
Sa comment section, mababasa na halo-halo ang naging reaksyon ng netizens sa pagdepensa ni Bitoy kay Jo Koy.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Well said [Okay hand emoji] Never justify your jokes [winking face with tongue emoji].”
“Hi Michael V! I’m sorry to disagree with your opinion on Jo Koy’s not so successful Golden Globes hosting. Jo Koy’s shortcomings are the result of not having enough time to prepare for the hosting.”
“Sometimes people want to complicate simple things. Maybe they are not happy with their lives. Hope they just enjoy the show.”
“I agree. Get a sense of humor. It’s so hard to be a comedian nowadays. Everything offends people.”
Maguginitang isa si Jo Koy sa mga nag-trending sa social media dahil maraming netizens ang hindi natuwa sa pagho-host niya, lalo na sa ginawa niyang joke sa international singer-songwriter na si Taylor Swift.
Nagpatutsada kasi siya tungkol sa lovelife ng dalaga.
Inamin naman ng stand-up comedian sa isang interview na flat ang naging biro niya sa international singer.
Nasaktan din daw siya sa mga salitang ibinato laban sa kanya ukol sa kanyang pagho-host sa nagdaang Golden Globe Awards.
Si Jo Koy ang ikalawang Asian host sa nasabing award-giving body.
Ang nauna sa kasaysayan ay ang Korean-Canadian actress na si Sandra Oh noong 2019.