Jo Koy dream come true ang maging host ng Golden Globes 2024

Excited yarn: Jo Koy dream come true ang maging host ng Golden Globes 2024

Pauline del Rosario - January 07, 2024 - 06:30 PM

Excited yarn: Jo Koy dream come true ang maging host ng Golden Globes 2024

PHOTO: Instagram/@voguephilippines

SA wakas, natupad na ng Filipino-American stand-up comedian na si Jo Koy ang isa sa mga childhood dream niya.

‘Yan ay maging host ng prestihyosong award-giving body na “Golden Globes Awards.”

Mangyayari na bukas, January 8 (oras ng Pilipinas), ang nasabing event at aminado ang komedyante na super excited na siya sa kanyang mga gagawin.

Sa isang interview, inalala ni Jo Koy ‘yung mga moments noong bata pa siya kung saan madalas nila abangan ng kanyang ina ang panonood ng mga ganitong klaseng major awards.

Ang chika pa niya, ito ang isa sa ginagawa nilang bonding nilang mag-ina –ang paunahang makahula kung sino ang mga mananalo sa bawat kategorya.

Baka Bet Mo: Jo Koy nangakong gagawa ng pelikula sa Pinas: I want to create more, I want to produce more

“This is a throwback to my childhood, and now I’m the guy who’s onstage,” sey ng stand-up comedian.

Alam niyo ba na si Jo Koy ang ikalawang Asian host sa nasabing award-giving body?

Ang una sa kasaysayan ay ang Korean-Canadian actress na si Sandra Oh noong 2019.

At dahil diyan, nabanggit ni Jo Koy na nais niyang maging inspirasyon ang first major hosting gig niya sa Asian community.

Kaya naman tiniyak ng komedyante na talaga namang gagalingan niya at ibubuhos ang kanyang talento sa pagho-host.

“As a kid and watching TV and not having that many role models to kind of indirectly inspire me, that’s what this means to me,” paliwanag ng Filipino-American actor.

Sambit pa niya. “I know there’s kids out there that will be watching the Globes. And now when they see this, it’s like ‘Oh, it’s possible. I can do this.’ Things aren’t so gray anymore. It’s not just two colors on the palette. Sometime three. Every color is on the palette.”

Baka Bet Mo: Jo Koy ka-level na si Chris Evans, nakasama rin sa ‘2022 Sexiest Man Alive’

“This is a beautiful moment. I really want to make sure I knock this out of the park,” saad pa niya.

Ang 81st Golden Globes Awards ay naktakdang mangyari sa Beverly Hills, California sa Amerika.

Ang humakot ng nominasyon sa taong ito ay ang pelikulang “Barbie” na mula sa direksyon ni Greta Gerwig.

Siyam na kategorya ang kinabibilangan nito kabilang na ang best picture musical or comedy, acting nominations para sa mga magkatambal na Margot Robbie at Ryan Gosling, at tatlo pa para sa original sings nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang sumunod naman ay ang biographical thriller film na “Oppenheimer” na may walong nominations, kabilang na ang best picture drama, best director for Christopher Nolan at para na rin sa mga aktors na sina Cillian Murphy, Robert Downey Jr. at Emily Blunt.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending