Banat ni Rendon: Ang t*nga talaga ni Jo Koy at sobrang hina

Banat ni Rendon: Ang t*nga talaga ni Jo Koy at sobrang hina, hindi lumaban

Ervin Santiago |January 11,2024
facebook
share this

Banat ni Rendon: Ang t*nga talaga ni Jo Koy at sobrang hina, hindi lumaban

Ervin Santiago - January 11, 2024 - 12:05 AM

Banat ni Rendon: Ang t*nga talaga ni Jokoy at sobrang hina, hindi lumaban

Jo Koy at Rendon Labador

TINALAKAN ng social media personality na si Rendon Labador ang Filipino-American comedian na si Jo Koy dahil sa pagho-host niya ng Golden Globe Awards 2024.

Na-bad trip ang motivational speaker dahil nagdahilan at nanisi pa si Jo Koy matapos ngang mabatikos ng mga kapwa niya celebrities dahil sa mga nakaka-turn off at malisyosong jokes nito.

Para kay Rendon, hindi na raw dapat nagdahilan at naging defensive si Jo Koy sa naging performance niya bilang host ng Golden Globes ngayong taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa pamamagitan ng Facebook, pinagsabihan ni Rendon si Jo Koy, “Ang tanga talaga ni Jokoy at sobrang hina, hindi lumaban.

Baka Bet Mo: Excited yarn: Jo Koy dream come true ang maging host ng Golden Globes 2024

“Dapat hindi na nagdahilan na 10 days lang at hindi na dapat nanisi ng ibang writers niya dahil sa kapalpakan niya.

“Dapat ginamit niya yung ‘attention’ na nakuha niya para ipakilala yung totoong sarili niya at hindi yung nag-’drama’ at ‘nanisi pa ng iba,’” paninita ni Rendon sa international actor-stand up comedian.

Hindi raw tama na gawin niyang alibi at katwiran na 10  araw lang ang ibinigay sa kanya para mag-prepare as host ng nasabing awarding ceremony. Ang isyu ay bakit tinanggap pa rin niya ang offer.

Wala raw siyang dapat sisihin kundi ang sarili niya at wala nang iba pa, “Dapat ang ginawa mo, sinabi mo sa buong mundo na binigay mo ang best mo at nagpakatotoo ka lang sa ginawa mo.

“WALANG IBANG WRITER na masisisi at ikaw lang lahat yun. LEARN TO BE ACCOUNTABLE SA LAHAT NG GAGAWIN MO SA BUHAY MO.

“Na-pressure ka lang at na bash ka parang umatras na yung bayag mo. Hindi ka man lang lumaban, pa-drama drama ka pa diyan,” sabi pa ni Rendon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Payo pa ni Rendon kay Jo Koy, “Huwag mong expect na magugustuhan ka ng mga tao sa paligid mo. Sana maintindihan mo ‘yan kasi nasa sitwasyon ka ngayon na MAKE IT OR BREAK IT.”

Baka Bet Mo: Jo Koy nangakong gagawa ng pelikula sa Pinas: I want to create more, I want to produce more

Umani ng batikos si Jo Koy dahil sa pang-ookray at pagdyo-joke niya nang personal sa mga celebrities na nasa awards night, kabilang na riyan ang multi-Grammy award-winning American singer at songwriter na si Taylor Swift.

“The big difference between the Golden Globes and the NFL? At the Golden Globes, we have fewer camera shots of Taylor Swift,” ang punchline ni Jo Koy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kitang-kita sa video ang pagkadismaya ni Taylor Swift sa naging joke ng komedyante. Grabe ang pamba-bash ngayon ng mga fans ni Taylor sa kanya hanggang ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending