Miles Ocampo ‘cancer-free’ na matapos ang thyroid surgery, pero…

Miles Ocampo ‘cancer-free’ na matapos ang thyroid surgery, pero…

PHOTO: Instagram/@milesocampo

NAGKAROON pala ng thyroid cancer ang award-winning actress na si Miles Ocampo.

Pero, ang good news ay cancer-free na siya!

‘Yan ang masayang inanunsyo ni Miles matapos siyang kamustahin ng batikang journalist na si Karen Davila sa isang episode ng kanyang YouTube vlog.

“You almost face death. Alam mo, ang tindi ah. Sa edad mong ito, may banta ka ng thyroid cancer. Ano ang naramdaman mo sa katawan?” pag-usisa ng broadcaster.

Inisa-isa naman ng aktres ang kanyang mga naranasan bago siya magpatingin sa doktor.

Ilan daw sa mga sintomas ay tumataba siya at mabilis mapagod.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo nagkaroon ng life-threatening medical emergency, nagpa-surgery sa thyroid

“‘Nung time na ‘yun parang –una sa lahat, ‘yung weight ko. Parang sabi ko, ‘Bakit ‘di naman ako sobrang kumakain, nagpi-pilates naman ako. Bakit ganito? Bakit hindi ako pumapayat talaga?’ Tapos parang ang bilis ko mapagod. After work, uuwi na ako talaga, matutulog. Tapos magigising ako ng madaling araw kasi parang akong hindi makahinga, parang akong sinasakal,” kwento ng aktres.

Dagdag niya, “So ‘nung naramdaman ko ‘yun, parang may hindi na tama.”

Ipinakita pa nga niya kay Karen ang kanyang leeg na may peklat mula sa surgery at tugon naman ng journalist: “So dati, parang may Goiter ka?”

Sagot sa kanya ni Miles, “Yes, parang may bukol talaga na visible na napansin ko nalang after my operation.”

Nabanggit din ng Kapamilya actress na nalaman lang niya na mayroon siyang cancer ‘nung natapos na ang kanyang operasyon.

Kasabay niyan ay proud niyang inanunsyo na siya ay wala nang cancer, pero may mga maintenance medicines nalang siya na kailangang inumin.

“I am cancer-free. But, ‘yun na nga, maintenance for life. ‘Yung meds ko, habambuhay na siya and dun na ako naka-base,” sambit ni Miles.

Chika pa niya, “Kumbaga ‘yung weight ko rin, dun na siya magbe-base kung tataba or papayat kasi every two months, kailangan ko magpa-blood test para i-check kung ia-adjust ba ‘yung dosage.”

Baka Bet Mo: Wil Dasovich cancer-free matapos ang mahabang gamutan: ‘Ang hirap ng chemotherapy…but I’m not going to let anything hold me back in life’

Ayon sa award-winning actress, marami siyang natutunan dahil sa mga nangyari sa kanya sa taong 2023.

“‘Yung mga times na ‘yun na parang it’s so uncertain, hindi mo alam kung ano ang mga mangyayari, just trust Him. Trust Him, kapit ka lang sa Kanya, talk to Him,” ani niya.

Kung matatandaan, April last year nang unang ibinunyag ni Miles na sumailalim siya sa thyroidectomy surgery matapos ma-diagnose ng “papillary thyroid carcinoma,” isang klase ng cancer na naaapektuhan ang thyroid.

Kabilang ang aktres sa mga hosts ngayon ng noontime show na “Eat Bulaga.”

Recently lamang ay nagwagi siyang “Best Actress” sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “Family of Two.”

Read more...