Bea na-in love sa leading man; ayaw nang mawasak ang puso

Bea na-in love sa leading man; ayaw nang mawasak uli ang puso

Ervin Santiago |January 11,2024
facebook
share this

Bea na-in love sa leading man; ayaw nang mawasak uli ang puso

Ervin Santiago - January 11, 2024 - 06:45 AM

Bea na-in love sa leading man; ayaw nang maulit ang matinding heartbreak

Dominic Roque at Bea Alonzo

INAMIN ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na nagkaroon na rin ng pagkakataon na na-in love siya sa kanyang leading man.

Sumalang ang fiancée ni Dominic Roque sa YouTube vlog na “Luis Listens” with Luis Manzano kung saan game na game niyang sinagot ang ilang personal questions.

Sa isang bahagi ng video ay sumabak si Bea sa lie detector challenge at isa nga sa mga naitanong ni Luis sa kanya ay kung na-in love na siya sa kanyang co-actor?

“Every love story na ginagawa ko and every co-actor na nakakasama ko, nai-inlove naman talaga ako. Kailangan ‘yun, e,” simulang pahayag ni Bea.

“You have to find a trait or anything about your partner that you can fall in love with. Pero yes, na-in love na ko sa co-actor,” pag-amin ng Kapuso actress.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo ipinagdarasal si Lolit Solis: I heard she’s sick, lalong hindi ako sasagot…I respect her so much

“Truth” naman ang naging resulta na lumabas sa lie detector, ibig sabihin, nagsasabi ng totoo ang aktres.

Ngunit hindi na nabanggit ni Bea kung sino ang tinutukoy niyang co-actor na nabighani ng kanyang puso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero siguradong isa na riyan ang naging boyfriend niya sa totoong buhay na si Gerald Anderson na nakasama niya sa “How To Be Yours” noong 2016.

Baka Bet Mo: Kiray may 2 katangian na gustung-gusto ni Stephan: Doon talaga ako na-in love sa kanya!

Sa more than 20 years ni Bea sa mundo ng showbiz, marami na siyang nagawang pelikula at teleserye kabilang na riyan sina Dingdong Dantes sa “She’s The One” (2013), John Lloyd Cruz sa “Now That I Have You” (2004), One More Chance” (2007), “Before Midnight” (2010)“, “A Second Chance” (2015) at iba pa.

Nakasama rin niya sina Derek Ramsay sa “Kasal” (2018) at “And I Love You So” (2009), Sam Milby sa “And I Love You So” (2009), Vic Sotto sa “Pak! Pak! My Dr. Kwak!” (2011), Alden Richards sa “Star-Up PH” (2022), at Paulo Avelino sa “Kasal” (2018).

Nakasama rin niya si Dennis Trillo sa youth-oriented show na “K2BU” (2002) at sa huling serye niya sa GMA na “Love Before Sunrise”.

Samantala, inamin din ni Bea na all-out siya pagdating sa usaping love. Tanong sa kanya ni Luis, “Si Bea ba ay all-out pagdating sa pagmamahal?”

“Obvious ba? Oo!” sagot ng aktres kung saan “truth” uli ang lumabas na sagot. Dagdag pa niya, “Dati. Ngayon, nagtitira na ‘ko.”

“Ano ang nagpa-realization sa ‘yo na dapat talaga magtira?” sundot na tanong ni Luis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nasaktan ako nang sobra-sobra, so ‘yon talaga. Ayoko nang umulit nang ganu’n,” agad na tugon ni Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending