Hit series na ‘Money Heist’ may spin-off na, nag-focus sa buhay ni ‘Berlin’
SINO sa inyo ang nakasubaybay ng Netflix hit crime series na “Money Heist”?
Alam niyo ba, may nilabas nang spin-off para rito at pinamagatan itong “Berlin.”
Yes, yes, yes mga ka-Bandera, ang bagong serye ng Money Heist Universe ay inilaan para ikwento ang makulay na buhay ni Andres de Fonollosa o mas kilala bilang Berlin na ginampanan ng Spanish actor and writer na si Pedro Alonso.
Ang bagong series ay iikot sa adventures ng nasabing titular character bago pa ang mga pangyayari na naganap sa original series.
“There are only two things that are sure to turn a bad day into a great one: love, and a payday worth millions. They’re what keep Berlin going through his golden years, a time when he still has no inkling of his illness and hasn’t gotten trapped like a rat in the Spanish Mint,” saad sa synopsis na inilabas ng Netflix.
Dagdag pa, “This is where he starts preparing one of his most extraordinary heists: making jewels worth 44 million disappear like some sort of magic trick. To do it, he’ll enlist the help of one of the three gangs he’s ever stolen with.”
Baka Bet Mo: Park Seo-jun may bagong role sa new season ng ‘Gyeongseong Creature’
Ilan sa mga ipinakilalang bagong character ng bagong serye ay sina “Keila” na isang code virtuoso, “Damián” na isang engineering and physics academic, ang locksmith na si “Roi,” gadget and weapon expert na si “Bruce,” at ang misteryosong si “Cameron.”
Siyempre, hindi mawawala ang ilang iconic characters mula sa original series na sina “Raquel Murillo,” at “Alicia Sierra.”
Ayon sa showrunners na sina Álex Pina at Esther Martinez, ang “Berlin” ay nagbibigay-diin sa kwento ng iba’t-ibang klase ng pagmamahal.
“We always look for elements that really connect with the viewer, and love is one of those elements. And there are so many facets to love. In fact, the story shows a range of types of love in which the characters vie to show different moments of love, to show different situations,” wika ng dalawa sa isang pahayag.
Para sa mga hindi masyadong aware, ang “Money Heist” ay mayroong limang seasons na unang ipinalabas noong 2017, habang ang final season ay noong 2021.
Noong December 29 nang inilabas ang “Berlin” at mula niyan ay consistent nang nasa Netflix’s top series category ang serye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.