Park Seo-jun may bagong role sa new season ng ‘Gyeongseong Creature’
KAKAKUMPLETO lang ng first season ng hit thriller na “Gyeongseong Creature,” inanunsyo na agad ng Netflix na magkakaroon ito ng panibagong season!
Sa kalalabas lang na pasilip, ipinakita na tila may bagong gagampanan ang bidang Korean actor na si Park Seo-jun bilang si “Ho Jae.”
Para sa mga hindi masyadong aware, ang naging role ng aktor sa naunang season ay bilang si “Jang Tae Sang.”
Kapansin-pansin din sa teaser na tila gagawin nang “modern era” ang mga eksena –malayo sa naging setting sa naunang season na ginanap noong colonial era ng 1945.
“Gyeongseong Creature returns with an enthralling second season, extending its narrative from the tumultuous spring of 1945 to the bustling streets of 2024 Seoul,” saad sa inilabas na pahayag ng streaming service.
Baka Bet Mo: ‘Aquaman’ movie aarangkada na ulit sa takilya matapos ang MMFF 2023
Wala pang petsa kung kailan ang premiere ng second season ngayong taon, pero tiniyak ng direktor nito na si Chung Dong-yoon na ibang-iba ang magiging takbo ng bagong chapter.
“Season 2 presents a story with a completely different charm. The change in space and time period will provide a clear distinction, offering an expanded universe feel,” saad niya sa isang pahayag.
Bukod kay Seo-jun, tampok pa rin ang isa pang bida ng “Gyeongseong Creature” na si Han So-hee na ipagpapatuloy ang kanyang legacy na matuklasan ang misteryo ng time travel at destiny.
Ang unang season ng nasabing serye ay umiikot sa misteryo ng isang ospital sa “Gyeongseong,” ang dating pangalan ng Seoul sa panahon ng Japanese empire.
Kung matatandaan, ang first season ay nahati sa dalawang parte, ang una seven episodes ay inilabas noong December 22, habang ang final three episodes ay noong January 5 lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.