Sarah Lahbati proud na proud sa anak na si Zion, isa nang ‘certified diver’

Sarah Lahbati proud na proud sa anak na si Zion, isa nang 'certified diver'

PHOTO: Instagram/@sarahlahbati

MALIBAN sa masayang bakasyon sa Bohol, lubos na ipinagmamalaki ng celebrity mom na si Sarah Lahbati ang latest milestone ng isa niyang anak na si Zion.

Tulad kasi niya, isa nang certified “open-water diver” ang 10-year-old na panganay na anak.

Sa isang Instagram post, makikita ang ilang bonding moments ni Sarah kasama ang dalawang anak nila ng aktor na si Richard Gutierrez.

Kalakip niyan ay ibinandera rin ni Sarah ang picture ni Zion habang hawak-hawak ang isang certificate na nagpapatunay na natapos nito ang kursong scuba diving na mula pa sa Professional Association of Diving Instructors.

Baka Bet Mo: Kim Molina certified ‘sirena’ na, nakapasa sa advanced mermaid class: ‘I’m now more confident to dive deeper!’

Para sa mga hindi masyadong aware, passion talaga ni Sarah ang pagiging scuba diver at freediver.

Sa katunayan nga ay isa siyang certified International Association for the Development of Apnea (AIDA) 2 freediver.

Taong 2019 nang mag-open up sa isang event ang aktres tungkol sa pagmamahal niya sa karagatan at diving.

“I started diving at the age of 8,” sey niya noon.

Kwento niya, “My dad is an instructor and my first experience was in a swimming pool, but then we went to Egypt. That’s where I got my first-ever certification.”

“My dad’s always been an underwater fan and a scuba diving addict. He lives in Switzerland, where there’s no warm water or coral reefs and he still makes it a point to dive every single week in the lake, so that’s how hardcore he is,” chika pa niya.

Samantala, patuloy pa ring maingay sa social media ang hiwalayan umano nina Sarah at Richard.

Kung maaalala, Disyembre nang nagsimulang umugong ang ganitong balita matapos mapansin ng netizens na hindi na nagpo-post ng mga larawan na magkasama ang dalawa sa social media.

Naging kontrobersyal din ang naging patama ng mother-in-law ng aktres na si Annabelle Rama na kung saan nagbitiw ito ng pahayag patungkol sa kanyang anak na si Richard Gutierrez na trabaho nang trabaho, habang ang isa raw ay malakas gumastos.

Read more...