Drew Arellano enjoy na enjoy sa ilalim ng dagat: For me, underwater is always very therapeutic | Bandera

Drew Arellano enjoy na enjoy sa ilalim ng dagat: For me, underwater is always very therapeutic

Ervin Santiago - September 26, 2022 - 09:56 AM

Drew Arellano

HALOS lahat na yata ng magagandang lugar sa Pilipinas ay napuntahan na ng Kapuso TV host na si Drew Arellano.

Yan ay dahil nga sa kanyang travel show na “Byahe Ni Drew” na ilang taon na ring namamayagpag sa GMA 7 na hanggang ngayon ay patuloy na humahataw sa ratings game.

In fairness, talagang sinusubaybayan namin ang GMA public affairs program ni Drew kaya para na rin kaming nakalibot sa Pilipinas at maging sa iba’t iba pang panig ng mundo.

Para kay Drew, ang ilan sa mga hindi niya malilimutang episodes sa “Byahe Ni Drew” ay ang kanyang mga underwater experiences sa mga diving locations sa bansa tulad ng Mabini sa Batangas, Malapascua Island sa Cebu, Verde Island Passage, at marami pang iba.

View this post on Instagram

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)


Itinuturing ng mister ni Iya Villania na therapeutic ang underwater activities tulad ng free diving at scuba diving.

“For me, underwater is always very therapeutic – freediving, scuba diving. We were blessed enough to experience scuba diving in the Philippines, which is a really good country to scuba dive.

“Like, of course, you have Anilao, you have Malapascua, to see the thresher sharks, you have Verde Island, so many places,” ang pahayag ni Drew sa isang panayam.

Dugtong pa ng TV host, “I was very fortunate and blessed to have witnessed and experienced that.”

Inalala rin ni Drew ang naging experience niya sa isang resort sa Singapore, kung saan nag-scuba diving siya sa isang aquarium na punumpuno ng mga pating.

“The sharks naman, generally, they’re very friendly,” sabi ni Drew.

Sa isang panayam namin kay Drew, nabanggit niya na nagdalawang-isip siya noon na tanggapin ang “Byahe ni Drew” dahil sa schedule ng taping nito kung saan masasagasaan ang kanilang family day.

Pero dahil siya nga ang first and only choice ng GMA para sa nasabing travel show, ginawan ng paraan ng production ang naging concern ng asawa ni Iya hanggang sa tumagal na nga ito ng mahigit isang dekada.

“I’m so lucky to be here, you know, traveling, featuring different parts of the country, beautiful parts of the country, is just wow! Such a privilege sharing it to fellow Filipinos and other foreigners,” pahayag ni Drew Arellano.

https://bandera.inquirer.net/315125/iya-nagpasabog-ng-good-vibes-bago-manganak-hirit-ng-netizen-iba-talaga-kapag-walang-byahe-si-drew-emzz

https://bandera.inquirer.net/315068/iya-villania-ipinanganak-na-ang-kanilang-baby-no-4-ni-drew-arellano
https://bandera.inquirer.net/310211/dimples-game-na-game-na-sumabak-sa-underwater-maternity-shoot-nakumpleto-na-ang-4-elements-pictorial

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/312815/ariella-arida-tony-labrusca-mas-gumaling-sa-pagsisid-kinarir-ang-free-diving-training

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending