ISA sa mga natuwa sa naging desisyon ng korte hinggil sa tunay na nagmamay-ari ng titulong “Eat Bulaga” ay ang OPM icon na si Ice Seguerra.
Nitong nagdaang Sabado ay ginamit na uli nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang “Eat Bulaga” sa noontime show nila sa TV5 na dating “E.A.T.” na napapanood na rin ngayon sa CNN Philippines.
Ipinagdiwang ito ng lahat ng Legit Dabarkads mula sa iba’t ibang panig ng mundo na hindi iniwan ang TVJ sa paglipat nila ng bagong network mula sa GMA 7.
“Isa lang ang puwedeng tawaging Eat Bulaga at iyon ang Eat Bulaga! dito sa TV5!” ang pahayag ni Bossing Vic sa kanilang live episode kamakalawa.
Ang bagong title naman ng noontime show ng GMA 7 na pinangungunahan nina Paolo Contis, Buboy Villar at Isko Moreno ay “Tahanang Pinakamasaya.”
Nakachikahan ng ilang members ng entertainment press si Ice sa presscon para sa bagong drag club na RAMPA nitong Sabado sa Karma Lounge, Morato Extension sa Quezon City.
Dito, nahingan si Ice ng reaksyon sa pagkapanalo ng TVJ sa inihain nilang reklamo laban sa paggamit ng TAPE Incorporated sa titulong “Eat Bulaga.”
“I’m so happy. Para sa akin nararapat lang. Kasi, di ba, ngayon, sila ang creators, e. So, parang nararapat lang na sa creator mapunta yung kumbaga… yung pinaghirapan.
Baka Bet Mo: Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra
“Yung pangalan na for some people, it’s just a name, but it’s not. It’s not just a name. It’s a name that symbolizes so many things. So, I’m just so happy sa desisyon,” pagbabahagi ng singer-songwriter at aktor.
Alam naman ng lahat na sa “Eat Bulaga” rin nagsimula ang showbiz career ni Ice noong 3 years old pa lang siya nang sumali sa Little Miss Philippines.
Patuloy pa ni Ice, “It’s like they’re starting out again. I mean, siyempre, di ba, I was there, parang a month after lumipat sila.
“So I was there a month and a half, and I really saw na… alam mo yun, from something na nagawa na nila nang routine na, biglang nagbago ang marami.
“So, parang nagsimula sila ulit. But ako nga, as with anything, no, I’d rather start over than, you know, be in a relationship na contentious, alam mo yun, hindi ka na masaya.
“So ako, with this new beginning, especially now that they have the name back finally, I wish better things and I know that hereon, mas lalo pa silang magpupursige para mas magpasaya, mas mapaganda pa yung programa.
“And hopefully with the new home, which is TV5, alam ko, grabe rin ang suporta na ibinibigay ng TV5. So I’m very, very happy,” dagdag ni Ice.
Ito naman ang mensahe niya sa kanyang mga tatay-tatayan na sina Tito, Vic & Joey, “Ako, sa totoo lang, siguro kaya rin ako ganito na I really… kumbaga, I really give importance to relationships is really because of them.
“I grew up with them, and nakita ko that you know, di ba, the showbiz world, we always say na relationsips are fleeting. Di ba, it’s like one project after the other.
“But du’n sa tatlong yun, and not just with them, but the whole Eat Bulaga! team na puwedeng hindi, e. Puwedeng ang relationship ay mag-stand ng test of time.
“Na hindi lang dahil sa programa pero kumbaga, humaba pa ito. And dun mo makikita. So ang wish ko for them, and siguro ang message ko for them — thank you.
“Thank you because hindi nyo lang binigyan ng halaga yung talentong nakita nyo sa akin na bago ko pa nakita na meron ako, nakita nyo na beforehand.
“You’ve taught me so many things about life, about friendship, about relationship na nagagamit ko hanggang ngayon. You’ve always believed in me, in what I can do, and in return, you will always have me and my loyalty. Mahal na mahal ko kayo!” pahayag pa ng singer at director-producer na rin ngayon.
Samantala, proud na proud co-owner naman si Ice at ang kanyang wifey na si Liza Diño sa pinakabago nilang “baby”, ang bonggang-bonggang drag club sa Quezon City na RAMPA.
Makakasosyo nila rito ang super successful actor-entrepreneur na si RS Francisco, ang events producer na si Cecille Bravo, Loui Gene Cabel, at ang mga drag queens at tinaguriang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe at Brigiding.
Ayon kay RS, sa January 17 na ang soft opening ng RAMPA na matatagpuan sa Eugenio Lopez Dr., Diliman, Quezon City habang sa February naman ang grand launch.