APRUB na aprub sa Star For All Seasons na si Vilma Santos ang tambalang Kathryn Bernardo at Nadine Lustre para sa remake ng “T-Bird At Ako.”
Suportado ni Ate Vi ang idea na pagsamahin sina Kathryn at Nadine sa pinag-uusapang remake ng pelikula nila ni Ate Guy na “T-Bird At Ako” na ipinalabas noong 1982.
Ito ay idinirek ni Danny Zialcita, kung saan gumanap na dancer sa club si Vilma habang abogado naman si Nora. Isa ito sa mga classic at blockbuster movie noon na may temang LGBTQIA+.
Natanong kasi si Ate Vi sa panayam ng ABS-CBN correspondent na si MJ Felipe, kung sino ang naiisip niyang mga aktres na pwedeng bumida sa bagong version ng “T-Bird At Ako.”
Baka Bet Mo: Oro Plata Mata, Tanging Yaman, Karnal, T-Bird At Ako mapapanood na sa full HD format
Mabilis na sinabi ng showbiz icon ang pangalan ni Kathryn. Nabanggit naman ni MJ sa kanya na maraming fans ang nagsa-suggest na pagsanahin sa isang project sina Kath at Nadine.
“Oh, heaven ‘yan! Heaven ang team na ‘yan, parehong magaling! That’s a good pair,” ang excited na sabi ni Vilma.
Baka Bet Mo: Arjo napiling bida sa remake ng ‘Sa Aking Mga Kamay’ ni Aga: “I can’t do what he did but…
Nauna rito, nasabi rin ni Ate Vi sa isang hiwalay na panayam na gusto niyang makagawa uli ng pelikula na tulad ng kalibre ng “Sister Stella L,” “Bata, Bata Pano Ka Ginawa” at “Dekada 70.”
Ibinalita rin niya na may natanggap siyang script para sa pelikulang pagsasamahan nila uli ni Ate Guy at kung matutuloy nga, ito ang magsisilbing reunion project nila makalipas ang mahigit tatlong dekada.
Sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2023 Gabi ng Parangal, itinanghal na Best Actress si Ate Vi para sa “When I Met You In Tokyo.” Kasama niya sa pelikula si Christopher de Leon.