Mikael sa anniversary nila ni Megan: ‘Bilang ko 14 years’

Mikael sa anniversary nila ni Megan: ‘You mentioned 13 pero bilang ko 14 years’

Pauline del Rosario |January 07,2024
facebook
share this

Mikael sa anniversary nila ni Megan: ‘You mentioned 13 pero bilang ko 14 years’

Pauline del Rosario - January 07, 2024 - 04:54 PM

Mikael sa anniversary nila ni Megan: ‘You mentioned 13 pero bilang ko 14 years’

PHOTO: Instagram/@mikaeldaez

KAKAIBA ang naging pagbati ng aktor na si Mikael Daez para sa anibersaryo nila ng misis at beauty queen na si Megan Young.

Paano ba naman kasi, ang matamis sana niyang anniversary message ay naging kwela!

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Mikael ang ilang throwback pictures nilang dalawa, kalakip ang sweet message na: “Happy anniversary Boneezy! We’ve been together so long, we don’t know the exact time anymore [grinning face with sweat emoji].”

Pero tila hindi na nakatiis ang aktor na mag-reply sa naging post ng kanyang asawa at isinabay na niya ang kanyang hirit kung saan pabiro niyang kinorek si Megan.

Sey ng aktor, “You just mentioned 13 years in your post pero sa bilang ko 14 years. Sabayan na lang kita sa gusto mo [random emojis].”

Baka Bet Mo: Megan Young, Mikael Daez 3 years nang kasal, pero bakit nga ba wala pa rin silang baby hanggang ngayon?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

At speaking of Megan’s post, binati rin niya ng “happy birthday” si Mikael kasabay ng kanilang anniversary.

Lubos ang pasasalamat ng beauty queen dahil hindi raw siya iniwan ng kanyang mister, lalo na sa mga pinagdaanan niyang pagsubok sa buhay.

“Happy happy birthday to my forever [white heart emoji] and happy anniversary to us [holding back tears emoji] 13 years so far of growing old together,” caption ni Megan kalakip ang ilang kwela at sweet throwback pictures nila.

Dagdag niya, “The past year we’ve had many wonderful blessings and challenges along the way but I’m grateful that I always have you by my side.” 

“I’m grateful that we are always learning together. I’m grateful that we are experiencing life together [happy face with heart eyes emoji] Cheers to another year of life!!! [happy face with hearts emoji]” lahad pa ng beauty queen. 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)

Taong 2010 nang unang nagkakilala ang dalawa sa isang fashion event kung saan ipinahiram ni Mikael ang kanyang jacket kay Megan dahil nakita niya itong nalalamigan.

Simula niyan ay nagtuloy-tuloy ang pagkakaibigan nila hanggang sa naging magdyowa na nga sila noong 2011.

Dalawang beses ikinasal ang mag-asawa noong 2020 – ang una ay nangyari sa Nasugbu, Batangas (Jan. 10) at ang isa naman ay sa Subic, Zambales (Jan. 25).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending