Benjamin Alves, Chelsea Robato ikakasal na sa Jan. 28

Kasalang Benjamin Alves, Chelsea Robato tuloy na tuloy na sa Jan. 28

Pauline del Rosario |January 05,2024
facebook
share this

Kasalang Benjamin Alves, Chelsea Robato tuloy na tuloy na sa Jan. 28

Pauline del Rosario - January 05, 2024 - 11:52 AM

 

Kasalang Benjamin Alves, Chelsea Robato tuloy na tuloy na sa Jan. 28

PHOTO: Instagram/@benxalves

EXCITED nang ikasal ngayong buwan ang Kapuso actor na si Benjamin Alves at content creator na si Chelsea Robato.

Ang kanilang intimate wedding ay gaganapin sa Makati sa darating na January 28.

Sa panayam sa news program na “24 Oras,” chinika ng soon-to-be husband and wife ang ilan sa mga mangyayari sa kanilang kasal.

“I didn’t have anything in mind, actually. I’m not the dreamer type. The only thing I asked him was that you have to cry when I walk down,” sey ni Chelsea.

Ibinunyag naman ni Benjamin na ang gustong mangyari ng kanyang wife-to-be sa kanilang kasal ay parang magkakaroon din ng “paghaharana.”

“Gusto niya ng harana daw sa reception, but bahala na. We’ll see,” sambit ng aktor.

Baka Bet Mo: Benjamin Alves ibinandera ang first-ever nomination, kakasa bilang ‘Best Supporting Actor’ sa Malaysia

Bukod diyan, nabanggit din nila ang kanilang wedding venue at ayon sa kanila ay gagawin nila itong “immersive.”

Kung matatandaan, nauna na nilang nakwento na tila pinagtagpo sila ng tadhana noong 2010 kung saan rarampa sana silang magkasama sa isang fashion show sa Guam.

Hindi lang daw ito natuloy dahil tinanggihan niyang mag ala-groom sa nasabing show.

“She was the last bride to walk, and they needed a groom. And ang sabi ko, ‘no.’ Kasi parang ayoko. Parang paano naman ako maggu-groom, eh, parang hindi pa naman ako ready magpakasal,” pag-alala ni Benjamin.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang love story ng dalawa ay 10 years in the making.

Sila ay mag-childhood friend sa Guam at naging mag-schoolmates pa noong sila’y nasa kolehiyo.

Taong 2019 nang muli silang nagkita at nag-ibigan matapos ipakilala sila sa isa’t-isa ng Kapuso actress na si Thea Tolentino

“So Thea’s invited to our wedding. Once we got engaged, she was like, ‘We have to invite Thea.’ Siya ‘yung naging tulay,” sey ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa pag-aartista, ang couple ay business partners din sa kanilang online flower shop.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending