Lea Salonga binisita ng dating co-star na si Jonathan Pryce

Lea Salonga tuwang-tuwa sa pagbisita ng dating co-star na si Jonathan Pryce

Pauline del Rosario |January 04,2024
facebook
share this

Lea Salonga tuwang-tuwa sa pagbisita ng dating co-star na si Jonathan Pryce

Pauline del Rosario - January 04, 2024 - 04:13 PM

Lea Salonga tuwang-tuwa sa pagbisita ng dating co-star na si Jonathan Pryce

PHOTOS: Instagram/@msleasalonga, Facebook/Miss Saigon – Musical

NOSTALGIC para sa Broadway star na si Lea Salonga ang muling pagkikita nila ng veteran theater and screen actor na si Jonathan Pryce sa London.

Binisita siya ng theater actor upang magbigay suporta sa musical show ni Stephen Sondheim na “Old Friends.”

Para sa mga hindi masyadong aware, nagkatrabaho ang dalawa sa original broadway na “Miss Saigon” noong 1989 at 1991.

Si Lea ang bumida bilang si Kim, habang si Jonathan ang gumanap bilang main antagonist na si Engineer.

Sa isang Instagram post, masayang ibinandera ni Lea ang picture nila ni Jonathan na tila nagkaroon ng mini reunion sa kanyang dressing room.

“When a former co-star and absolute acting giant shows up!!!” caption niya sa post.

Mensahe pa niya, “Thank you for being there, dear Jonathan.”

Baka Bet Mo: Banat ni Rendon Labador kay Lea Salonga: ‘Ang totoo niyan laos ka na! Buti nga may fans ka pa!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lea Salonga (@msleasalonga)

Tuwang-tuwa naman ang ilang Pinoy celebrities and personalities sa pagkikita ng dalawang icons.

Ilan lamang sa mga nagkomento ay ang entertainment journalist na si Gretchen Fullido, “RuPaul’s Drag Race” alum na si Manila Luzon, batikang singers na sina Jaya at Jed Madela, at TV personality na si Tim Yap.

Magugunita na ang classical musical na “Miss Saigon” ay tungkol sa istorya ng isang Vietnamese orphan na si Kim na na-inlove sa American GI na si Chris habang nasa gitna sila ng Vietnam war.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang karakter na si Tran Van Dinh o tinawag na “Engineer” ay ang nagreto sa dalawang bida na kalaunan ay naging kontrabida sa pag-iibigan nila.

At speaking of “Miss Saigon,” ang award-winning play ay nakatakdang bumalik sa Philippine stage sa darating na Marso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending