Alden posibleng bumida sa play na ‘Simon’, Piolo hindi na pwede sa ‘Ibarra’
SA VLOG ni Romel Chika ay nakapanayam niya ang musical director ng “Ibarra” na si Ginoong Frannie Zamora.
Sa 10 award na ipinamigay ng Aliw Awards 2023 ay siyam ang nakopo ng nasabing play na pinagbidahan ni Piolo Pascual.
Ang “Ibarra” musical play ay nanalo ng Best Ensemble Performance, Best Musical Director at Best Composer for Joed Balsamo, Best Director for Frannie Zamora, Best Lead Actress for Myramae Meneses, Best Lead Actor for Piolo Pascual, Best Child Actor for JD Tena, at Best Featured Actor na si Jon Joven Uy.
View this post on Instagram
Nakuha rin ni Piolo ang Entertainer of the Year kaya sobra itong naluha nang tanggapin ang kanyang tropeo mula sa Aliw Awards na itinatag ni Ms. Alice H. Reyes (founder) noong 1976.
Samantala, pagkatapos ng “Ibarra” ay gagawin ni direk Frannie ang sequel na “Simon” pero hindi niya sinabi kung sino ang gaganap dahil hindi pa raw niya nakakausap at wala pang kontrata, pero sa tingin niya ay papayag ito.
Baka Bet Mo: Kiray halos lumuwa na ang boobs sa OOTD: Hindi porke nagsusuot ng sexy gusto nang magpabastos
Pero sabi ng direktor kay Romel Chika, gusto niyang maka-work si Alden Richards.
Tanong ng vlogger host, “Magbigay ka ng limang artista na (dapat) niyang i-try ang entablado na nakikitaan kang mahusay na pero huhusay pa ito pag nag-entablado.
“Siyempre unang-una si Alden. ‘Yung sinseridad niya lumalampas sa screen, e, ‘yun ang pinakaimportante sa isang aktor, ‘yung sinseridad ‘yung galing sa puso ang inilalabas na dialogue.
“Saka ‘yung mata ni Alden ibang klase! Sa lahat ng maputing aktor, kasi usually kapag maputing aktor ay hindi ganu’n kagaling mag-register sa film kasi napakalinis.
“Pero siya ibang klase nakakaarte talaga,” paglalarawan ni direk Frannie kay Alden.
Dati ay nabanggit ng aktor na gusto niyang subukan ang entablado kung may mag-o-offer, pero nagawa na niya ang karakter na Simeon sa drama anthology na “Magpakailanman.”
View this post on Instagram
Ang maganda kay Alden ay hindi siya natatakot sumubok sa anumang karakter as long as matututo siya.
Baka Bet Mo: Batang Pinoy binigyan ng standing ovation sa ‘AGT 2021’ audition; mga judge na-shock
Gayun din sa negosyong may kinalaman sa restaurant at dahil pagkatapos ng Conchas na kilala sa Filipino food ay nagtayo naman siya ng Stardust na isang resto bar sa Jupiter Street, Makati City kung saan nag-imbita siya ng ilang media friends para makita ang bagong “baby” niya at pa-thanksgiving na rin sa patuloy na pagsuporta sa kanya simula ng pasukin niya ang showbiz.
High-end ang nasabing resto-bar dahil napansin naming pawang mamahalin ang mga naka-display na alak at higit sa lahat masarap ang mga pagkain.
Going back to direk Frannie ay bago niya gawin ang “Simon” ay may tour ang “Ibarra” pero hindi na si Piolo ang gaganap dahil abala na ito sa bago niyang serye sa ABS-CBN.
Wala ring binanggit ang direktor kung sino ang papalit kay Piolo sa “Ibarra.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.