Kiray halos lumuwa na ang boobs sa OOTD: Hindi porke nagsusuot ng sexy gusto nang magpabastos Bandera

Kiray halos lumuwa na ang boobs sa OOTD: Hindi porke nagsusuot ng sexy gusto nang magpabastos

Alex Brosas |June 23,2021
share this

Kiray halos lumuwa na ang boobs sa OOTD: Hindi porke nagsusuot ng sexy gusto nang magpabastos

Alex Brosas - June 23, 2021 - 02:40 PM

INUNAHAN na ni Kiray Celis ang mga bashers niya sa social media lalo na sa Instagram.

Walang kaba, walang takot at walang nerbyos ang komedyana dahil halos lumuwa na ang kanyang boobs sa kanyang white top na paekis ang style.

Noong unang post, nagpakuwela pa si Kiray sa kanyang caption, “Outfit ko, paglalabas ng kwarto. BUWAHAHAHAHA! Eme!”

Sa second photo, may hugot si Kiray when she said, “Alam niyo ba kung anong iniisip ko?! Iniisip ko kung kailan magkakalaman to. 26 na ako. HAHAHAHAHA!”

Obviously, she was referring to her boobs, right?On her third post, dito na um-aria si Kiray.

“Hindi porket nagpopost at nagsusuot ng sexy, gusto ng magpabastos. Hindi ba pwedeng proud ako sa sarili kong katawan?! Proud akong flat ako?! Proud ako sa self confidence ko?!

“Hindi ko na kasalanan kung may mag bash, manira, manlait, mambastos. Kaya kung anong comment niyo, nagrereflect lang yun kung sino kayo bilang tao,” say niya.

* * *

Gagawing pain ni Mayor Simon (Nonie Buencamino) ang pamilya ng katiwala niyang si Tomas (Dominic Ochoa) para mapilitan itong linisin ang sikreto ng kanilang pamilya ngayong linggo sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Pagkatapos malaman ni Simon ang itinatagong relasyon ng apo niyang si Miguel (RK Bagatsing) sa isang lalaki, uutusan niya si Tomas na patayin ang nobyo ni Miguel na si Diego (Rafael Rosell).Ito ay dahil na rin sa takot ni Simon na maisapubliko ang ugnayan na maaaring makasira sa kampanya ni Miguel bilang alkalde ng Hermoso.

Dahil sa kutob niyang tatanggihan siya ng kanyang tauhan, ipapa-kidnap ng makapangyarihang pulitiko ang mag-ina ni Tomas na sina Rebecca at Pio (Matet De Leon at Seth Fedelin) para gamitin itong bala sa pagpapasunod kay Tomas.

Ito na rin ang paniningil ni Mayor Simon kay Tomas sa pagtatraydor nito sa kanya at pagsuporta kina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz).

Habang wala pang nakakaalam sa lihim ni Miguel, unti-unti namang nadidiskubre ng mamamahayag na si Eva (Mylene Dizon) ang mga ebidensyang magpapatunay na pineke ni Deborah (Eula Valdes) ang himalang pagpapaulan nito ng petal mula sa langit. Paano makakatakas si Tomas mula sa pangingikil sa kanya ni Mayor Simon?

Saan hahantong ang kasakiman at kasamaan nina Simon at Deborah?Gain inspiration from the inspirational series “Huwag Kang Mangamba,” airing weeknights on the Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, and iflix.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending