Bianca Manalo, Win Gatchalian magpapakasal na ngayong 2024?

Iwas-ahas: Bianca Manalo, Win Gatchalian magpapakasal na ngayong 2024?

Ervin Santiago |January 01,2024
facebook
share this

Iwas-ahas: Bianca Manalo, Win Gatchalian magpapakasal na ngayong 2024?

Ervin Santiago - January 01, 2024 - 12:09 PM

Bianca Manalo, Win Gatchalian magpapakasal na nga ba ngayong 2024?

Bianca Manalo at Win Gatchalian

MAGPAPAKASAL na nga kaya ngayong 2024 ang controversial couple na sina Bianca Manalo at Sen. Win Gatchalian matapos matsismis na naghiwalay na?

Yan ang tanong ngayon ng mga Marites all over the universe nang mabasa ang ilan sa mga reaksyon ng mga kaibigan ni Bianca sa latest social media post ni Win.

Nag-share ang senador ng kanilang selfie photo ni Bianca sa kanyang Instagram account last Friday, December 29 na kuha sa Canada kung saan sila nagbakasyon ng ilang araw.

“Reunited and it feels so good,” ang maikling caption ni Win sa kanyang IG post.

Sa comment section, mababasa ang panunukso sa kanila ng aktres na si Ruffa Gutierrez na nagsabing, “Naks!! Kasalan na! (emojis) @stgatchalian74 @biancamanalo.”

Baka Bet Mo: Win Gatchalian sa bashers nila ni Bianca: ‘Cheers to the negas at Marites!’

Pagsang-ayon naman ng IG follower ni Win, “Get married na! Blessed New Year!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May nabasa naman kami sa BANDERA official page na nagsabing dapat daw agad-agad nang pakasalan ng senador ang aktres at dating beauty queen dahil baka maagaw pa raw ito ng ibang lalaki.

Tatlong red heart emojis naman ang naging comment ng actress-singer na si Geneva Cruz sa magdyowa.

Kaya naman ang tanong, makarinig na kaya tayo ng wedding bells para kina Win at Bianca ngayong 2024? Sundin kaya ng senador ang payo ng mga netizens na pakasalan na si Bianca para hindi na ito maahas ng iba.

Baka Bet Mo: Hirit ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio: Magpapakasal kami at gagawa kami ng 7 na baby!

Matatandaang naging kontrobersiyal nitong mga nakaraang araw si Bianca nang ma-link sa co-star niya sa seryeng “Magandang Dilag” na si Rob Gomez.

Nag-leak kasi ang private conversation nila sa social media na nabigyan ng malisya at inakalang meron silang relasyon at niloloko umano ng aktres si Sen. Win.

Nauna nang nilinaw nina Bianca at Sherwin ang tungkol sa kontrobersya at nanindigang okay na okay ang kanilang relasyon at biktima lamang sila ng malilisyosong intriga.

“It is upsetting that our conversations were exposed without my consent, which is a breach of privacy and the cause of so much online bashing. It is obvious that parts of our conversation were deleted to create malicious insinuations.

“To be honest, this unfounded accusation is hurting me and my loved ones. Let this controversy end so I can enjoy the rest of my time in Japan with my family,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nito namang nagdaang araw, nagbahagi si Sen. Win sa IG ng mga litrato nila ni Bianca na may mensaheng, “No fake news will divide us apart” and “To @biancamanalo, my 2023 Christmas gift to you – I will always be by your side.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending