Ex-dyowa ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera may idedemanda?

Ex-dyowa ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera may idedemanda?

Ervin Santiago |January 01,2024
facebook
share this

Ex-dyowa ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera may idedemanda?

Ervin Santiago - January 01, 2024 - 08:37 AM

Ex-dyowa ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera may idedemanda?

Rob Gomez at Shaila Rebortera kasama ang kanilang anak

SINO nga kaya ang idedemanda o kakasugan ng dating beauty queen at doktor na si Shaila Rebortera?

Balitang nagtungo si Shaila sa isang law firm kamakailan at nakipagkita sa ilang abogado pero hindi pa malinaw kung ano ang tunay na pakay nito.

Marami ang nag-iisip na baka may kinalaman ito sa relasyon nila ng Kapuso actor na si Rob Gomez na naging sentro na naman ng intriga kamakailan dahil sa kumalat na screenshot ng private conversation nila nina Herlene Budol at Bianca Manalo.

Baka Bet Mo: Shaila Rebortera mahigit 1 taon nagtiis sa pambubugbog, marami pang biktima ang ‘lumantad’

Nakasama ni Rob ang dalawang aktres sa Kapuso series na “Magandang Dilag” pero kahit tapos na nga ang programa ay nakaladkad pa sila sa iskandalo dahil nga sa nag-leak na palitan nila ng mensahe na nabigyan ng malisya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” YouTube vlog nina Ogie Diaz ay napag-usapan nga ang tungkol sa pagpunta ni Shaila sa isang law firm.

Baka Bet Mo: Rob Gomez hindi pabayang ama, miss na miss na ang kanyang mag-ina; mahal na mahal pa rin ba si Shaila Rebortera?

“Hindi naman natin alam baka kinuha siya ng law firm para maging official dentist nila,” pahayag ng talent manager at content creator.

Ngunit sey ni Papa O, mukhang maayos naman daw ang sitwasyon ngayon nina Shaila at Rob dahil pareho lang silang dedma sa mga naglalabasang isyu about them.

Nitong nagdaang linggo, nag-flex pa si Rob sa social media ng mga litrato na kuha sa binyag ng anak nila ni Shaila. At in fairness, mukhang masaya naman sila kung anuman ang kanilang relasyon ngayon.

Payo naman ni Ogie kay Rob, sana raw ay ayusin na nito ang kanyang personal na buhay dahil baka maapektuhan na ang gumaganda niyang career.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng ilang netizens, magsalita na si Rob kung totoo bang single ba siya ngayon o kung nagkabalikan na sila ni Shaila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending