Nora ipinagdarasal ni Gina: Pinu-push niyang ‘wag magpatalo sa kahinaan

Nora ipinagdarasal ni Gina: Pinu-push niyang 'wag magpatalo sa kahinaan

Nora Aunor at Gina Alajar

PALAGING laman ng dasal ni Gina Alajar ang nag-iisang Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Magkasama ang dalawa sa pelikulang “Pieta” na idinirek ni Adolf Alix, Jr. na nakatakdang ipalabas sa 2024. Bida rin dito si Alfred Vargas with Jaclyn Jose and Bembol Roco.

Ayon kay Gina, sanay na sanay na sila ni Ate Guy na katrabaho ang isa’t isa kaya kapag may offer sa kanyang teleserye o pelikula na pinagbibidahan ng showbiz icon, go siya agad-agad.

Sa katunayan, nag-enjoy talaga siya sa shooting ng “Pieta” dahil mga kaibigan din niya ang kanyang co-stars. Kaya naman ang gaan-gaan daw ng kanikang trabaho.

“Maganda naman ang samahan. Maganda na yung samahan,” sabi ng actress at director sa panayam ng ilang members ng press kay Gina sa naganap na sneak preview ng “Pieta” last December 22, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.

Baka Bet Mo: Matagal nang pangarap ni Alfred Vargas tinupad nina Ate Guy, Gina at Jaclyn: ‘Thank you, Lord!’

Ilan sa mga pinagsamahang pelikula nina Ate Guy at Gina ay ang “My Little Brown Girl” (1982), “Condemned” (1984), “Bulaklak sa City Jail” (MMFF 1984), “Tatlong Ina, Isang Anak” (1987), at “Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina?” (1990).


Naibahagi rin ni Direk Gina ang mga pag-uusap nila ni Ate Guy tungkol sa kanilang kalusugan, lalo na ngayong hindi na sila bumabata.

“Oo naman. E, alam mo naman ang kumare kong iyon, medyo matigas din naman ang ulo, hindi ba?” sey ni Gina na naalala pa ng kuwento noon ni Ate Guy na naranasan na niyang mamatay at muling mabuhay.

“Ay, oo! Oo! Ikinuwento nga niya sa akin yun. Ano ba yung huli naming pinagsamahan ni Guy?”

Baka Bet Mo: Gina Alajar gustong makatrabaho sina Piolo at Alden sa ‘huling project’; lucky charm si Amy Austria

“Onanay pa lang. Onanay pa lang, malakas pa siya nun. That’s 2018, e, ganyan. Sinasabi ko na, ‘Mare, tigil na. Tigil na ang yosi.’ Tigil na, ganyan-ganyan-ganyan.

“Na siyempre, di ba, hindi naman ano. ‘Okay ako, okay ako. Okay ako.’ So from then on, sabi ko, ‘Naku, mare, we have to take care of our health.’

“Siyempre naman, di ba? Ayaw mo namang umpuging ganyan. But I’m sure now, she knows. I’m sure alam niya.

“Siya naman mahihirapan. And I’m sure, you know, na siguro nag-iisip-isip na rin siya, no? Na sana, nakinig siya, ‘no?” pagbabahagi pa ng premyadong aktres.

“Pero you know, I always pray naman na bumalik naman yung lakas niya. And you know, kakatuwa nga, kasi ilang pelikula pa yung ginagawa niya.

“After this, nakailan siya. So talagang inaano niya, talagang pinu-push niya yung sarili niya na gumawa pa ng pelikula at magtrabaho pa, at hindi magpatalo, hindi matengga, hindi magpatalo sa kahinaan ng katawan, di ba?”

Read more...