Labi ng National Artist na si Marilou Diaz Abaya nailipat na sa Libingan ng mga Bayani, mensahe ni Marc: ‘Siya’y isang gurong walang itinitira para sa sarili’
“MAGSILBI nawa siyang inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon ng mga alagad ng sining.”
Yan ang bahagi ng pahayag ng OPM artist at aktor na si Marc Abaya sa ginawang paglilipat ng labi ng award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya sa Libingan ng mga Bayani.
Pagkatapos ng kanyang conferment bilang National Artist for Film and Broadcast Arts noong 2022, at makalipas ang ilang buwan ay nailibing na rin ang labi ng namayapang ina ni Marc nitong Linggo, October 8, sa Libingan ng mga Bayani.
Taong 2022 nang kilalanin ng Cultural Center of the Philippines si Direk Marilou bilang National Artist for Film and Broadcast Art kasama ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
View this post on Instagram
Present sa naganap na reinterment si Marc na siyang nag-upload ng ilang video sa TikTok kung saan makikita ang muling paghukay sa kabaong ng kanyang ina.
Base naman sa live streaming ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa naganap na libing, makikita ang pagsasagawa ng final military honors sa labi ni Direk Marilou, kabilang na riyan ang “21 gun salute, flag draping at turn-over, drum and bugle” sa yumaong National Artist.
Baka Bet Mo: Payo nina Jake at Gerald sa mga kabataang artista: maging mabait sa lahat, magpakatotoo lang
Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Marc ang lahat ng mga nagsagawa at nag-organisa ng reinterment, kabilang na ang AFP at NCAA. Narito ang bahagi ng speech ni Marc.
“Lubos na nagpapasalamat kaming pamilya at mga estudyante ni Marilou Diaz-Abaya sa NCCA, sa CCP, at sa AFP para sa paggawad sa aming guro at ina ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining at ang karangalan na maihimlay sa Libingan ng mga Bayani para sa kanyang ambag sa pelikulang Filipino.
View this post on Instagram
“Si Marilou Diaz-Abaya ay isang gurong walang itinitira para sa sarili. Naniniwala siya sa halaga’t kapangyarihan ng pagkukuwento; ng mga kuwentong humihilom ng mga sugat at nagbubuklod ng mga puso sa pamamagitan ng pakikiisa at pag-unawa sa kapwa.
Baka Bet Mo: Marc ibinandera ang muling pagbubuntis ni Danica: Happy Father’s Day to me…thank you Lord for another blessing!
“Nawa’y ipagpatuloy ng henerasyong ito at ng susunod ang ganitong paraan ng pagkukuwento sa pelikula upang panatilihing buhay ang apoy ng ating pag-asa sa pagsapit ng dilim.
“Maging imbitasyon nawa sa lahat ang gawad na ito na kilalanin ang aming ina at guro sa pamamagitan ng kanyang mga gawa at aral.
“Magsilbi nawa siyang inspirasyon para sa mga susunod na henerasyon ng mga alagad ng sining,” mensahe pa ng aktor.
Ilan sa mga pelikulang idinirek ni Marilou Diaz-Abaya ay ang “Baby Tsina” (1984), “Jose Rizal” (1999) at “Muro-Ami” (1999). Namatay ang premyadong direktor sa sakit na cancer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.