Boobay inalala ang absence seizure: May lamat na raw brain ko

Boobay inalala ang absence seizure sa Fast Talk: May lamat na raw brain ko

Ervin Santiago |December 30,2023
facebook
share this

Boobay inalala ang absence seizure sa Fast Talk: May lamat na raw brain ko

Ervin Santiago - December 30, 2023 - 07:10 AM

Boobay inalala ang absence seizure sa Fast Talk: May lamat na raw brain ko

Boobay

MAS kumapit pa kay Lord at mas tumindi pa ang pananampalataya ng Kapuso TV host-comedian na si Boobay.

Ito’y mula nga nang magkaroon siya ng “absence seizure” habang ini-interview ni Boy Abunda sa “Fast Talk” ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Binalikan ang nakakalokang eksenang yun ni Boobay last April sa nakaraang episode ng “The Talk 2023 Yearend Special” ng “Fast Talk with Boy Abunda”.

Kuwento ng Kapuso comedian, “Hindi ko rin talaga inakala kasi biglaan din nangyari, ‘yung tinatawag nga po na absence seizure, ‘yung bigla-bigla na lang nagha-hang.”

Aniya, epekto pa rin daw ng kanyang mild stroke noong 2016 ang naranasan niyang absence seizure na talaga namang ikinabigla at ikina-shock ng mga manonood.

“Mas nag-trigger pa siya, dahil nga du’n sa nangyari sa akin before na mild stroke, so parang may lamat na raw ‘yung brain ko.

Baka Bet Mo: Mike Enriquez sasailalim sa medical procedure kaya mawawala muna sa GMA

“2016 ‘yung mild stroke ko ng November. Tapos ‘yun ang lumabas. Siguro nangyari na raw pala ‘yun dati, hindi ko lang siya pinapansin,” pag-amin ni Boobay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @boobay7


At knows n’yo ba na hindi raw talaga niya pinanood ang viral video sa social media kung saan makikita ang pag-atake ng kanyang absence seizure on national TV.

Baka Bet Mo: Boobay magbabalik na sa ‘The Boobay and Tekla Show’, inaming takot mawalan ng trabaho dahil sa ‘seizure’

“Hindi ako tumitingin kapag ano, mula sa TikTok, ‘di ba? Lagi kapag sinabi mong ‘Boobay,’ ‘yun agad ‘yung lumalabas. Hindi ko siya pinapanood.

“Pero ‘yun napanood ko na. ‘Mmm-mmmmm’, ganu’n pala ako nang ganu’n. Ha-hahahaha! Hindi, pero pasensya na, Tito Boy. Hindi ko rin alam ginagawa ko diyan,” natawang sabi ni Boobay nang ipakita sa kanya ang video.

Reaksyon naman ni Tito Boy, ang  nangyari kay Boobay ay isa lamang paaalala sa lahat na dapat talagang unahin ang pag-aalaga sa sarili lalo na ang kalusugan.

Sey ng award-winning TV host, “Isang paalala talaga, Boobay. That we have to take good care of ourselves.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman ni Boobay, “Pero ang maganda po nu’n, Tito Boy, nagpapasalamat ako kasi parang…kay Lord lalo, kasi parang naging eye-opener ‘yun sa ating mga Kapuso na, alam mo ‘yun, pahalagahan ‘yung pahinga na tinatawag.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending