Janella nag-aalala para kay Jude: ‘Ayokong manahin niya yung mga trauma ko’
NAG-AALALA ang Kapamilya actress at “Mallari” star na si Janella Salvador para sa anak nila ni Markus Paterson na si Jude.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nag-celebrate ng Christmas si Janella bilang single parent at may inamin siya sa interview sa kanya ni Karen Davila na napapanood ngayon sa kanyang YouTube channel.
Ayon kay Janella, may concerns lang siya habang lumalaki si Jude lalo na kapag dumarating ang mga espesyal na okasyon, kabilang na ang Pasko at Bagong Taon.
Last year, inamin nina Janella at Markus sa publiko na nag-break na sila makalipas ang ilang taong pagsasama bilang live-in partners.
“Medyo mahirap din siya, may adjustment. Paano na kaya si Jude? Siyempre as a mom, nagwo-worry ako na parang ‘ano yung mga plans ko for him? Ano yung mga plans nu’ng dad niya para sa kanya?’” rebelasyon ng aktres.
Baka Bet Mo: Markus, Janella kanya-kanyang bati sa 2nd birthday ni Jude: ‘Love you always and forever’
Iniisip ni Janella ang psychological impact sa kanyang anak ng sitwasyon ng kanilang pamilya.
View this post on Instagram
Aniya, alam niya ang pakiramdam ng isang batang produkto ng broken family kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang maranasan ito ni Jude.
“Ako, growing up, aminado ako mayroon akong issues because I grew up with an incomplete family.
“Worry ko is paano ko maiiba yun for Jude. Ayoko yung mga trauma ko ay mamana din niya. Ayoko maranasan niya yung emotional things na pinagdaanan ko,” ang pahayag pa ni Janella.
Ginagawa naman daw niya ang lahat para mapunan ang kakulangan sa kanilang mag-ina pero alam niyang sa kabila hindi pa rin mabubuo ang inaasam niyang pamilya.
“Kung nasaan kami, okay kami. I always make it to a point na happy yung home namin, to make it a happy environment for Jude. Lumaki ako sa incomplete family.
“I came from a broken home and nakita ko talaga yung effort ng mom ko to make it a happy home growing up,” aniya pa.
Nilinaw naman ni Janella na nag-e-exert din naman ng effort si Markus para makasama at maka-bonding ang kanilang anak. Naiintindihan din daw niya ang sitwasyon nito bilang working dad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.