Piolo Pascual, Janella Salvador dinagsa sa Batangas

Piolo Pascual, Janella Salvador dinagsa sa Batangas, todo-promote ng ‘Mallari’

Reggee Bonoan |December 10,2023
facebook
share this

Piolo Pascual, Janella Salvador dinagsa sa Batangas, todo-promote ng ‘Mallari’

Reggee Bonoan - December 10, 2023 - 05:04 PM

Piolo Pascual, Janella Salvador dinagsa sa Batangas, todo-promote ng 'Mallari'

Janella Salvador, Piolo Pascual motorcade sa Lipa, Batangas

HINDI inalintana ng mga taga-Lipa City, Batangas ang init dahil sadyang inabangan nila ang motorcade nina Piolo Pascual at Janella Salvador para sa promo ng pelikula nilang “Mallari The Movie” na entry ng Mentorque Productions in cooperation of Cleverminds, Inc. nitong Biyernes, Disyembre 8.

Pasado alas dose nang tanghali nang dumating sina Papa P at Janella sa Hotel 1925 at pagkatapos magpahinga at kumain ay sumabak na sa motorcade sa oras na 2:30PM.

Hindi pa nakalalayo sa hotel ay maraming tao na ang kumakaway at binibidyo ang dalawang bida ng Mallari.

Kasama rin nina Piolo at Janella sa float ang Mentorque producer na si John Bryan Diamante at Supervising producer na si Omar Sortijas na masayang-masaya sa mainit na pagtanggap ng mga Batangueno.

Napaka-organisado ng isinagawang motorcade dahil hindi ito naging dahilan para magkaroon ng trapik sa mga kalyeng dinaanan ng motorcade bagkus ay nagbigay pa ang mga sasakyan dahil sa mga pasahero nilang nagkukuha rin ng bidyo at picture sa kani-kanilang mga cellphones kina Piolo at Janella.

Baka Bet Mo: Piolo muntik nang umatras sa ‘Mallari’, umaming nahirapan sa 3 karakter

Nakakatuwa dahil bawa’t daanan ay isinisigaw ang pangalang Piolo at Mallari sabay picture ulit sa aktor kapag napapalingon sa kanila.

In fairness si Piolo, hindi nawala ang ngiti at panay ang kaway at kahit tirik ang araw ay hindi mo mararamdaman ang init dahil parang spring ang klima sa Lipa City.

Pagkatapos ng motorcade ay diretso na sa SM City Lipa para sa mall show na ayon sa aming napagtanungan ay bago pa magbukas ang mall ay mahaba na ang pila ng tao sa labas na nakita rin namin dahil nadaanan namin ito habang patungo kami sa Hotel 1925.

Grabe ang fans ni Janella na iba’t ibang grupo tulad ng solong Janella, JoshNella Official Rizal Chapter, JaneNella Trendsetter ay talagang dumayo pa ng Lipa City para suportahan ang kanilang idolo kaya naman nagulat ang aktres habang kumakanta na nakita niya ang supporters niya na walang tigil sa kahihiyaw.

At nang tawagin na ang pangalan ni Piolo ay talagang nakabibingi ang hiyawan sa buong activity center ng SM Lipa na abot hanggang dulo at mga tao na ginamitan pa ng drone camera para maipakita sa live video ang dami ng taong nag-abang sa mga bida ng Mallari.

Iisa ang sigaw na narinig namin sa mall habang nakahalo kami sa mga taong matiyagang nakatayo sa loob ng apat na oras, “I love You Piolo!”  Ha, ha, aliw lang dahil muli naming narinig ang katagang ito na unang narinig sa softdrink TV commercial kasama si Toni Gonzaga-Soriano na noo’y hindi pa kilala.

Baka Bet Mo: Hirit ni Piolo Pascual sa pagpapakasal at pag-aasawa: ‘Kapag tuli na po ako!’

Piolo Pascual, Janella Salvador dinagsa sa Batangas, todo-promote ng 'Mallari'

Very accommodating sina Papa P at Janella dahil lahat ng nagpapa-picture sa kanila ay pinagbigyan nila sayang nga lang at hindi sila nakapunta hanggang dulo dahil may nakaharang na kiosk ng kilalang buko juice.

Patok din sa mga taga-Lipa ang guests nina Papa P at Janella sa mall show tulad ni Ron Angeles na nagtanggal pa ng jacket para ipakita ang katawan nito, Angelie Sanoy, Audrey Alquiroz, Tommy Alejandrino, ang mga bagets na sina John Ventura, James Clarence Fajardo, Ali Abatayo at ang nakakatuwang host na si Inah Evans.

Sa tanong ng cast sa mga dumalo sa mall show nila kung ano ang una nilang papanoorin sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival 2023 sa December 25 ay isinigaw ng “Mallari.”

Ang “Mallari The Movie” ay mula sa direksyon ni Derick Cabrido at isinulat ni Enrico C. Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang Parade of the Stars sa December 16 along Caloocan, Malabon, Navotas at magtatapos sa Peoples Park sa Valenzuela City handog ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na in-charge at nag-organisa ng MMFF 2023.

Samantala, lubos ang pasasalamat ng Team Mallari sa pag-assist kaya organisado ang ginanap na motorcade at mall show kay Ms Joy Castillo Jr HD (Urban) ng Team Talino at Puso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending