Markus, Janella kanya-kanyang bati sa 2nd birthday ni Jude: ‘Love you always and forever’
Dalawang taon na si Baby Jude, ang anak nina Markus Paterson at Janella Salvador kahapon, Oktubre 20, nag-post ang aktres.
Base sa video post ni Janella kagabi ay sinimulan niya habang inu-ultrasound siya at narinig ang heartbeat ni baby Jude at nakangiting sabi, “I can’t believe it.”
Sa nasabing video ay documented ang naging journey ng mag-inang Janella at Jude habang lumalaki siya at kung paano inaalagaan nito ang anak na ang background ay ang kanta ni Phil Collins na, ‘You’ll Be In My Heart.’
Ang caption ni Janella sa video post niya, “2 years ago I was given the honor of bringing this little angel to life on earth. My best buddy for life.”
Ang unang bumati kay baby Jude ay ang aktres na si Maja Salvador, “Happy Birthday Juuuuudeeee!!!!!!!!🎂🤍 We Love youuuu.”
View this post on Instagram
Sinundan naman ni @missizacalzado, “Happy Happy Birthday, Jude!!!!”
Ang batang aktres na si @iammutya_orquia na ngayon ay dalagita na, “Happy birthday, Jude!!”
Say naman ni @michellevito, “Awwww happy birthday jude.”
Ang Star Hunt artist, @_kiaratakahashi, “Happy birthday Jude!!!”
Tatlong emoji red hearts naman ang post ni Denise Laurel.
Ang komedyanang si @jojagpangan, “(emoji hearts)super cute.”
Mula sa musikerong si @moophs, “happy birthday little man.”
Ang magandang pagbati ni @hiiam.0220, “It’s really true na when you lost something or someone may dadating pupuno sayo. Happy birthday Jude.”
Samantala, ilang minuto bago magpalit ng petsa ay humabol ding bumati ang ama ni baby Jude, si Markus sa kanyang Instagram account.
‘Here Comes the Sun’ naman ang background music mula sa English rock band na Beatles mula sa UK kung saan tagaroon din ang aktor
“Here comes my son. Hard to believe 2 years has gone by so quick. To you my son, my life force, my everything. Happy birthday, if only you could comprehend the love I have for you. As much as I want you to be my little man forever I can’t wait to watch you grow. Love you always and forever. 🤍 (p.s one day you’ll be able to guard me sa basketball),” saad ni Markus.
Ang bonding moments nila ni baby Jude ang video post ng aktor.
Kanya-kanyang video post ang ex-couple at sa bawa’t post ay wala ang isa’t isa.
Related Chika:
Janella sa chikang hiwalay na sila ni Markus: We’re both happy as individuals, our main priority now is Jude
Janella, Markus wala pang balak magpakasal: Yung focus namin ngayon na kay Baby Jude talaga
Markus Paterson pinagsisisihan ang pagpunta sa Pilipinas: Du’n ko na na-pick up lahat ng bisyo ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.