Hirit ng fans kay Alden Richards: 'Sana ligawan mo na si Kathryn!'

Hirit ng fans kay Alden: ‘Sana ligawan mo na si Kathryn…sana kayo na lang!’

Ervin Santiago - December 27, 2023 - 03:49 PM

Hirit ng fans kay Alden: 'Sana ligawan mo na si Kathryn...sana kayo na lang!'

Kathryn Bernardo, Alden Richards

APRUB sa mga fans ang muling pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards pagkatapos ng hiwalayang KathNiel.

Halos lahat ng nabasa naming comments sa Facebook page ng BANDERA tungkol sa posibleng part 2 ng “Hello, Love, Goodbye” nina Kath at Alden ay na-excite sa balita at nangakong susuportahan uli nila ito ng bonggang-bongga.

May mga netizens pa nga ang nagsabi na sana raw ay sina Alden at Kathryn na lang daw ang magkatuluyan sa tunay na buhay dahil naniniwala sila na magiging loyal at honest ang Kapuso actor sa dalaga.

Ayon naman sa ilang fans ni Kathryn, excited sila sa muling pagtatambal ng ex ni Daniel Padilla at ni Alden pero naniniwala sila na kayang-kaya nang magsolo ngayon ng Kapamilya star.

Baka Bet Mo: Daniel, Andrea barag na barag sa netizens matapos umamin si Kathryn; fans ni Ricci nanukso

Narito ang ilan sa mga comments sa official FB page ng BANDERA.

“Sa chemistry as loveteam pdeng kathniel pdin . Pero sa totoong buhay kht wlang c Daniel Pde c Kathryn Lalo Pag sa magaling na leading man. Kathryn can stand her own noh.”

“Iba yun c Daniel pag dating sa loveteam  eh iba din yun galawan n kath dba kong baga..minamahal nla yung trbaho eh yung parang totoo dba kaya c alden hindi makakapantay kay Daniel totoo yan.”

“Perfect love team Sina Kath and Alden we will support wherever you are, but always be true to yourself. GOOD LUCK TO BOTH OF YOU.”

“I think hindi kailangan ni Kath ng love team..tapos na sya sa stage na pang hischool ..hindi na sya bata para pa kailangan e dikit sa isang lalaki na kunwari maging sila sa imagination ng mga fans..she is now out of the box where she can be what she want to be…With her talent ang professionalism…she can go a long long way.”

“Ang ganda ng chemistry, lahat ng movie nyo papatok at tatabo sa takilya.”

“Ok lang Basta happy at di sasaktan si Kath. Mabait na bata kaya deserved din niya na maging Masaya.”

“Haaay sana nga ligawan mo sya kc on or off screen click tlga chemistry nyo.”

“Sana kayo na lang! Pero sana pag naging kayo wag mong sasakyan si Kath, please!”

“Ito na naman yung mga pala desisyong fans kuno, pati pribadong buhay ng artista gustong panghimasukan.”

“They don’t need this kind of publicity because their movie will be a box office hit for sure!”

“Yes i vote MY IDOL ALDIN KC MABAIT ATMAGALANG. DEN PLEASE WAG MONG SAKTAN C KATH.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Go lang gusto yan haha bagay kayo! at pag naging kayo wag na you patagalin pakasaaln mo na si kath alden  gogo idol.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending