Seth may pakiusap sa bashers: ‘Ako nalang, ‘wag si Chin at pamilya niya’
HINDI na nakapagpigil ang young actor na si Seth Fedelin na magsalita at depensahan ang young actress na si Francine Diaz.
Muli kasing lumutang ang past issues nina Seth at aktres na si Andrea Brillantes na naging dahilan kung bakit bina-bash ngayon si Francine, pati ang kanyang pamilya.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter) account, nanawagan na si Seth sa netizens na nanghuhusga at dinadamay sa mga isyu ang ka-loveteam.
“Malaking PAKIUSAP po sa inyo ‘wag niyo na po idamay si Chin,” lahad niya sa post.
Paliwanag niya, “Unang-una WALA siyang kinalaman sa ibinabato niyo po sa kanya. Siya po ang NADAMAY at kung anong samahan na meron kami ni Chin at pamilya niya eh dahil sa pinagtibay kami ng mga kaganapan.”
“Ako nalang ‘wag si Chin at pamilya niya [folded hands emoji],” ani pa niya.
View this post on Instagram
Bago ‘yan ay nagsalita ang nakatatandang kapatid ni Francine na si “Chantal” matapos kuyugin ng ilang netizens ang kanilang pamilya dahil sa isang throwback picture na muling nag-resurface sa internet.
“This issue is so 2021 pa. If defending my sister means being called squammy and whatever then so be it. Call me names, I don’t care. I’m no longer staying silent,” sey ng ate ni Francine sa X.
Dagdag pa niya, “Walang inagaw at walang inahas ang kapatid ko.”
“Yes, my sister is not perfect, she’s flawed but she’s not even half of the person you claimed her to be,” patuloy niya.
Aniya pa, “You don’t have the rights to call us names, especially if you don’t know the whole truth.”
Sa bandang huli ay tila may nabanggit pa si Chantal na may nalalaman siya na pwedeng tumapos sa kung ano man ang isyu na kumakalat.
“I’m speaking up, ‘cause you guys are being too much and the year is almost ending, just leave it here na. Be thankful na we are still considerate,” lahad niya.
Sey pa niya, “I could end you with what I know, if I want to. But I’ll choose not to.”
I’m speaking up, ‘cause you guys are being too much and the year is almost ending, just leave it here na. Be thankful na we are still considerate. I could end you with what I know, if want to. But I’ll choose not to.
— chantal (@Talshiii) December 21, 2023
Matatandaang huling nadawit ang pangalan ni Francine matapos mag-trending si Andrea dahil sa naging girlfriend proposal ng basketbolista at commercial model na si Ricci Rivero matapos ang kanilang UAAP game noong April 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.