Wedding ring ni Ice nalaglag sa dagat: 'Sinubukan kong sisirin...'

Wedding ring ni Ice nalaglag sa dagat: ‘Sinubukan kong sisirin kaso…’

Ervin Santiago |December 19,2023
facebook
share this

Wedding ring ni Ice nalaglag sa dagat: ‘Sinubukan kong sisirin kaso…’

Ervin Santiago - December 19, 2023 - 06:40 AM

Wedding ring ni Ice nalaglag sa dagat: 'Sinubukan kong sisirin kaso...'

Liza Diño at Ice Seguerra

NAWALA pala ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra ang wedding ring nila ng kanyang asawang si Liza Diño.

Pero dahil sa nakakalokang eksenang ito, mas minahal at mas na-appreciate pa raw niya nang bonggang-bongga ang kanyang wifey.

Nag-post ng appreciation letter si Ice para sa dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) matapos ibandera ang kanilang  couple ring tattoos.

Ito’y bilang bahagi pa rin ng kanilang selebrasyon para sa kanilang 9th wedding anniversary na ipinagdiwang nila sa isla ng Siargao.

Sa kanyang Instagram post, naikuwento nga ng premyadong singer at songwriter ang tungkol sa pagkawala ng kanyang wedding band.

“I lost my wedding ring sometime last year during a beach trip. Pag akyat ko ng bangka, ayun, nadulas siya at tuluyan nang namaalam.

Baka Bet Mo: Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra

“Sinubukan kong sisirin kaso nasa blue pa kami, medyo palubog na rin yung araw at wala akong torch.

“Sobrang sakit nun sa akin dahil never ko yun tinanggal. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa asawa ko, nasa ibang bansa siya noon kaya di kami magkasama. I knew she’d feel bad. Asar talo pa ako sa mga kaibigan ko,” pagbabahagi ng singer at direktor na rin ngayon.

Patuloy ni Direk Ice, “When I told @lizadino, she never made me feel bad about it. Sobrang lalo ko siyang na appreciate.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra)


“Kaya sabi ko, ayoko na ng singsing na pwedeng matanggal or ma-misplace. Dahil habangbuhay naman kaming magkasama, I wanted something permanent,” dagdag pa niya.

At knows n’yo ba na kahit ayaw talagang magpa-tattoo ni Liza ay pumayag pa rin siya para mas maging memorable ang wedding anniversary celebration nila ni Ice.

“We recently celebrated our 9th wedding anniversary. I got sick so we weren’t able to celebrate it the way we wanted to. Kaya heto, we’re belatedly celebrating it by getting tatted!!!

“Liza is the exact opposite when it comes to tattoos. Isa lang ang tattoo niya, at yun ay dahil napagod siyang umakyat ng ilang bundok para mag interview kay Apo Whang-od, and it was Apo’s 100th birthday!

Baka Bet Mo: Ice Seguerra umaming tsine-check pa rin ang mga ex-dyowa, OK lang kaya kay Liza Diño?

“Pero after nu’n, kahit ilang pilit ko, ayaw na niya. But she said yes to me this time around. And I am the happiest!!!” kuwento pa ni Ice.

Mapapanood din sa IG video na ibinahagi ni Direk Ice kung paano tiniis ni Liza ang sakit habang siya’y tinatatuan. At dinagdagan pa ng OPM artist ang pang-aasar sa kanyang wifey sa paggamit ng kanta ni Mae Rivera na “Aray”.

Ang caption na inilagay ni Ice sa kanyang IG video, “Best anniversary gift ever!!! I looove you mahal ko!”

Sa isa pang IG post ni Ice, ipinakita ng celebrity couple ang kanilang long-lasting wedding band. Sey niya sa caption, “Thank you, mahal ko, for indulging me. This is the best gift ever!!! I love you so much!!! I appreciate and adore you so much more!

“PS Salamat Francis of Ink Digger Siargao for this beautiful remembrance of our commitment. #happy9thanniversary #misteratmisiszaza,” aniya pa.

Sa isang hiwalay na panayam, natanong naman si Ice kung ano na ang update sa plano nila ni Liza na magka-baby through in-vitro fertilization (IVF).

“Right now, parang ngayon iniisip lang muna namin yung Fire & Ice. That’s our baby,” tugon ni Ice na ang tinutukoy ay ang kanilang production company na siyang nasa likod ng 5th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) last year.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Ice and Liza noong 2014 sa San Francisco, California, kung saan legal ang same-sex marriage.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending