Melanie Marquez ipinaglaban ni Gloria Diaz: ‘Dapat daw may korona ako’
“IPINAGLABAN” ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang kapwa niya beauty queen at dating supermodel na si Melanie Marquez.
Yan ang naging rebelasyon ni Melanie nang mapag-usapan ang tungkol sa pagkukumpara ni Gloria sa kanya at sa kanyang anak, si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.
Matatandaang ni-rate ni Gloria ang naging performance ni Melanie sa Miss International noong 1979 at ng anak nitong si Michelle sa ginanap namang Miss Universe 2023 pageant sa El Salvador.
Sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” last Friday, December 15, nag-guest ang beauty queen-actress at natanong nga siya kung ano ang naging reaksyon niya sa naging pahayag ni Gloria tungkol sa kanilang mag-ina.
“Our very first Miss Universe Gloria Diaz was interviewed. Sabi niya, napunta doon sa usapan na binigyan ka niya ng rating, tama ba ako?
“Sabi niya, ‘If I would rate Melanie and Michelle, I give Melanie a 10 and I give Michelle an 8’. Ano ang iyong comment?” tanong ni Tito Boy kay Melanie.
Baka Bet Mo: Michelle Dee nakaranas ng matinding diskriminasyon, pambu-bully sa US; Melanie Marquez naaksidente
“I’m so flattered. Thank you so much, Miss Gloria Diaz. Well, for me, opinyon nila ‘yan. I have to respect everybody’s opinion,” sagot ng nanay ni Michelle.
View this post on Instagram
“Pero opinyon ito ng Miss Universe,” sey uli ni Tito Boy.
“But I’m just so grateful. Ever since talaga gratitude ko kay Miss Gloria Diaz which I knew when in my time talagang pinaglaban niya ako,” tugon naman ni Melanie.
Baka Bet Mo: Gloria Diaz umaming nainggit kay Michelle Dee; super proud sa ‘Mallari’
“San ‘yun sa Binibini?” hirit uli ng award-winning Kapuso TV host.
“Sa Binibining Pilipinas,” sagot ni Melanie.
Sundot na tanong ni Tito Boy, “Paano ka niya ipinaglaban?”
“Ipinaglaban niya na kailangan mayroong korona ako in some way ‘cause she can see that I am actually the person who will carry and win a crown internationally,” kuwento pa ng Miss International 1979.
Patuloy niya, “Kahit noong nakatayo kaming lahat, lakad siyang ganyan. Nag-stop siya in the middle kasi I’m the tallest. And said, ‘I want you to win’, sabi niya talaga. Tapos umalis na siya.”
At dahil nga rito, mas tumindi pa ang self-confidence ni Melanie at na-boost ang kanyang morale.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.