Michelle Dee never nag-inarte: ‘I don’t think of myself as superstar!’
EXCITED na si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa pagpasok niya sa Kapuso primetime series na “Black Rider.”
Magiging bahagi ang actress-beauty queen ng second season ng naturang action-drama series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Kuwento ni Michelle, siguradong magiging memorable ang experience niya sa “Black Rider” pero hindi pa siya pwedeng magkuwento tungkol sa magiging karakter niya sa programa.
View this post on Instagram
Bukod dito, marami pang pasabog ang dalaga sa pagpasok ng 2024 kabilang na riyan ang bagong teleserye at isang project na may international flavor.
Sabi ni Michelle, sa ngayon daw ay ipinagkakatiwala na niya sa GMA 7 kung ano ang mga proyektong nababagay sa kanya.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi maglaba lang nang nakabukaka, milyun-milyon na ang views; pak na pak ang pagpasok sa ‘Batang Quiapo’
Naniniwala rin kami na never nag-inarte at nagpaimportante si Michelle sa kanyang mother network at sa iba pang kumpanya na naniniwala at sumusuporta sa kanya.
Sey ni Michelle, hindi siya nagpapaka-primadonna para mamili ng projects na gusto niyang gawin, “I don’t think of myself as superstar or anything, I’m very grateful for the love.
“But of course, I think any actress or actor can relate that kailangan talaga ang mga projects, bumabagay sa capabilities mo.
“But in this case, GMA knows me from the inside out. Kaya sinadyest yung Black Rider because they know that nagmo-motor ako.
“I’m adrenaline junkie and to have that kind of support system, making sure that the projects I get is in line with what works for me. That’s such a very big blessing for sure.
View this post on Instagram
“Ako, I’m very artistic. I love acting. Hindi naman ako diva na namimili. But of course it all just depends on where to put that energy,” pagbabahagi ni Michelle.
Baka Bet Mo: Alden inatake ng matinding lungkot nang mawala ang TVJ sa ‘Eat Bulaga’: ‘Parang hindi na ako makakabalik sa pamilya…’
Nauna rito, hindi pa diretsahang sinagot ni Michelle kung sasali pa ba siya sa mga beauty pageant after matalo sa Miss Universe na ginanap sa El Salvador.
“Ako, I’m the type of person that always looks for signs. Kahit ang pagsali ko sa Miss Universe 2023, I had to wait for a sign from the Universe to join. Hindi ko talaga siya masasagot.
“Of course, I would love to say na ito na yung katapusan. Pero you’ll never know what life throws at you.
“Ako, I’m just going to accept any opportunity that presents itself, and always keep an open mind.
“But of course, hindi ko alam kung kaya ko pang lumaban ulit. Medyo pagod na po. But, I’m just happy that all of you are proud,” paliwanag niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.