Alden G na G sa MMFF 2024 entry nila ni Coco; makakatambal din si Anne
KUNG magiging maayos ang plano at paghahanda, tuloy ang pagsasanib-pwersa nina Alden Richards at Coco Martin para sa Metro Manila Film Festival 2024.
Mismong ang Asia’s Multimedia Star na ang nagkumpirma nito nang humarap siyang muli sa ilang members ng entertainment media na dumalo sa kanyang pa-thanksgiving at Christmas party for the press.
Kuwento ni Alden, nagkausap na sila ni Coco tungkol sa kanilang bonggang collab pagkatapos nilang magtambal ng partner ng aktor na si Julia Montes sa blockbuster movie na “Five Breakups And A Romance.”
“Yes po. Baka po next year. All of a sudden talaga ‘yung connection ko with Julia and Coco, parang bigla lang siyang dumating.
“Nagulat nga ako, sabi ko nga kay Juls, ‘Juls nagugulat ako kay Boss Coco kasi parang ang tagal na niya ‘kong kilala habang nag-uusap kami.
View this post on Instagram
“As in, talagang ‘yung mga payo na ibinibigay niya sa akin, of course when it comes to producing, directing and acting at the same time, very guided since pinagdaanan na niya.
“Tapos parang na-bring up to the table lang po na sabi ko, ‘Boss Coco sana…’ kasi gustung-gustong niya po na magkaroon kami ng project together.
“Sabi ko, ‘Sige Boss, ano na lang natin ‘yan, i-MMFF na lang natin ‘yan next year’, game daw siya,” ang tuluy-tuloy pang chika ni Alden.
Baka Bet Mo: Sunshine nagpasalamat sa dating asawa: Nadapa ako at nagkamali, pero naging mabuti siyang tatay
Dagdag pa ng Pambansang Bae, “Parang right now since parang before, maiintindihan naman din po ako siguro nu’ng nakakarami dito na siyempre as you grow older, you learn things then you develop certain, specific skills and discernments na alam mo na kung ano yung mas angkop sa iyo.
“Parang right now, I’m at that point of my career, na nandu’n na ako sa self-preservation stage.
“So, it’s not really full control, eh, but more of collaboration na how can we make it better, paano natin magagawa nang maayos ‘yung story, na win-win pa rin,” sey pa ng award-winning actor at TV host.
Samantala, bukod sa gagawin nilang project ni Coco, tuloy na rin ang pelikulang pagtatambalan nila ni Anne Curtis next year.
“Yes po, Anne Curtis and me, medyo drama na futuristic po ‘yung concept. Parang Direk Irene din po ito, Irene Villamor. Parang next year po, tatapusin lang po ni Anne yung film niya,” sabi ni Alden about the project na ipo-produce ng GMA Public Affairs at Viva Films.
View this post on Instagram
“Nu’ng nagkausap po kasi kami ni Anne, alam na rin niya, eh. So ayun po ‘yung una-una lang, tinatapos lang po ‘yung mga project. Tapos ‘yun po, directing also.
“‘Yung first film po na natapos ko, that’s under Viva naman po. Tapos na po siya. Next year po siya, for streaming po siya,” sey pa ng binata na ang tinutukoy ay ang movie na kanyang idinirek starring Heaven Peralejo.
Sa tanong naman kay Alden kung ano ang feeling niya ngayon as an artist, producer, director at aktor na very active na sa paggawa ng pelikula,
“It’s liberating, it’s empowering. I hope na marami ring actors and artists na ma-encourage sa ganito na maging involved sila kesa… ako kasi I’ll have to admit at first, nu’ng pumasok ako siyempre dahil lumaki po ako sa hirap, nandu’n ako sa pera ng showbiz.
“Pero as I go along, on the third, fourth, fifth year, dun ko na natutunan i-value na, tapos na-in love na ako nang todo. And right now nasa stage na rin ako ng parang pagbalik sa industriya.
“Para pong itong party natin, this is my way of giving thanks to people who have helped me in my career naman,” sabi pa ng premyadong aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.