Pamilyang Poe namigay ng pamasko, ayuda kasabay ng death anniversary ng FPJ
SIMPLE lang ang naging pagpupugay para sa death anniversary ng King of Philippine Movies at National Artist na si Fernando Poe Jr. o mas kilala bilang si FPJ.
Ang pamilyang Poe ay nagkaroon ng simpleng gathering sa puntod ng yumaong legendary actor sa Manila North Cemetery noong December 14.
Maliban pa riyan, namigay rin sila ng tulong para sa mga mahihirap na pamilya sa probinsya ng Pangasinan.
Para sa mga hindi masyadong aware, ito na ang naging tradisyon ng pamilya bilang selebrasyon na rin ng naging legacy ni FPJ noong buhay pa siya.
“FPJ is a kind soul in reel and real life,” sey ng anak ng aktor na si Senador Grace Poe.
Patuloy niya, “There’s no other way he would have wanted us to remember him than by sharing and lending a helping hand, especially to our kababayan struggling to put food on their table, especially in this Christmas season.”
Sa Instagram ni Senador Grace, makikita ang ilang pictures na nag-alay siya ng mga bulaklak at nag-ilaw rin ng kandila sa puntod ni FPJ, pati na rin sa yumaon niyang ina at batikang aktres na si Susan Roces.
Baka Bet Mo: Lovi Poe nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ni Susan Roces
View this post on Instagram
Matapos ang pagbisita ng pamilya sa sementeryo, nagtungo sila sa Pangasinan upang mag-distribute ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
“Usually pag death anniversary ni FPJ, nagmimisa kami sa North Cemetery tapos dun kami namamahagi ng pamasko,” sambit ng senador.
Patuloy niya, “Pero sabi ko ngayon dapat dun sa bayan ni FPJ dahil kung siya ay nabubuhay, magugustuhan niya talaga na ang mga kababayan niyang taga-Pangasinan ang makaramdam naman ng konting tulong at ayuda galing sa kanya.”
Ilan lamang sa mga lugar na binisita ni Poe at ng kanyang pamilya ay ang Binalonan, San Carlos City at Dagupan City.
May pa-surprise din sila kung saan ay nagkaroon sila ng pa-raffle ng ilang limited edition na commemorative FPJ beep cards na may kasama nang cash load na pwedeng magamit ng commuters.
Magugunita noong Agosto nang ipinangalan kay FPJ ang isa sa mga istasyon ng LRT-1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.