Sarah Lahbati naaksidente sa Skyway, pagtitiyak naman niya: We are all okay…

Sarah Lahbati naaksidente sa Skyway, pagtitiyak naman niya: We are all okay…

PHOTO: Instagram/@sarahlahbati

IBINUNYAG ng model-actress na si Sarah Lahbati na nasangkot siya sa isang aksidente sa kalye.

Kwento niya sa kanyang broadcast channel sa Instagram, nangyari ito sa kahabaan ng Skyway kung saan tatlong sasakyan ang nagkabanggaan.

“We were involved in an accident on the skyway. Fortunately, all three cars involved avoided any casualties, and we are all okay,” pagbabahagi ng aktres ngayong December 15, 12 a.m.

Sinabi rin niya na dahil sa nangyari ay tila isa itong paalala mula sa Diyos kaugnay sa second chances.

“Today, we were given a second chance,” sey ng aktres.

Patuloy niya, “Just when you think everything you worry about should be the center of the world, you’re reminded of God’s lessons, promises, and the bigger picture. All you have to do is take a step back and let Him guide you.”

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati tinawanan ang ‘waldas pa more’ comment ng netizen

Dagdag pa ng aktres, “I’m not sharing this for you to feel bad for us. I’m sharing this story because this year has been the toughest of my life, yet I am reminded of God’s goodness, His second chances, and His promises.”

Nabanggit din ni Sarah na kasama niya ang kanyang pamilya, pero hindi na niya idinetalye kung sino-sino ang mga ito.

Ang mahalaga raw ay walang nangyaring masama o nasaktan sa kanilang lahat.

“Things could have been much worse, yet my family and I are alive and well. La vie est belle. Life goes on,” ani pa niya.

PHOTO: Instagram/@sarahlahbati

Kamakailan lang ay nag-trending si Sarah sa social media matapos tawanan ang isang netizen na nagkomento ng “Waldas pa more.”

Kung maaalala, naging kontrobersyal ang naging patama ng mother-in-law ng aktres na si Annabelle Rama na kung saan nagbitiw ito ng pahayag patungkol sa kanyang anak na si Richard Gutierrez na trabaho nang trabaho, habang ang isa raw ay malakas gumastos.

Matatandaang last month lang nang umugong ang balitang tila hiwalay na sina Sarah at Richard matapos mapansin ng mga netizens na hindi na nagpo-post ng mga larawan na magkasama ang dalawa sa social media.

Read more...