NAKAPAG-SHOPPING na ba ang lahat mga ka-BANDERA? Kumpleto na ba ang inyong panghanda at pangregalo sa darating na Christmas at New Year?
I’m sure, marami pa rin sa ating mga Pinoy ang magkukumahog sa pagbili ng mga gifts at foods for Noche Buena pagsapit ng oras de peligro. Knowing us, devah! Parang mas nag-e-enjoy talaga tayo sa last minute shopping!
Sa mga nagbibilang at nagko-compute pa ng kanilang mga gagastusin this holiday season, narito ang ilang simple pero mga bonggang tips para mas maging happy, merry and worry-free ang inyong Pasko at Bagong Taon.
1. Budget-budget din ‘pag may time
Kapag natanggap na ang suweldo pati na ang bonus (kung havey man), huwag agad-agad gumora sa mall o mga tiangge. Ilista muna ang inyong mga priority dahil mas magiging madali ang pagse-set ng tamang budget kapag alam mo ang dapat bilhin at kung ano ang kailangan mong dedmahin.
No, no, no way ang gastusin lahat ang natanggap na bonus at 13th month pay sa mga regalo at panghanda para hindi ka nganga sa pagpasok ng 2024.
Baka Bet Mo: Aiko dumepensa sa pagkuha ng online shopping app kay Toni: Mali naman ang atakihin n’yo ang kinuha nilang endorser
2. Who’s naughty, who’s nice?
Kung kapos na kapos talaga, gumawa ng listahan kung sino lamang ang dapat mong regaluhan. Choose the best BFF ka na lang this year para maka-save nang malaki-laki.
Pwede ka ring magpa-raffle o magpa-Q&A portion sa mga friends mo para fair ang laban. Tingnan natin kung sino ang papasok o malalaglag sa finals!
3. Bet na bet ng ‘early birds’
Kung may extra budget, mamili na nang maaga dahil sure na sure kami na malaki ang matitipid n’yo. Mas makakamura kasi kapag nag-advance shopping kayo dahil cheaper pa ang bilihin kaya may maitatabi ka pang extra para sa ibang gastusin. Winner yarn!
4. DIY Christmas gifts
Sa mga mahihilig mag-recycle ng regalo tuwing Pasko, huwag kayong ma-guilty dahil gawain din yan ng reregaluhan mo! Kaya it’s a tie!
Ilabas ang inyong talent sa paggawa ng mga DIY na pangregalo dahil tiyak na hindi masyadong mahe-hurt ang inyong bulsa o wallet ngayong holiday season.
Kung bago kang member ng tipid-tipid at recycle gang, pwede kayong manood sa mga online tutorials ng paggawa ng mga budget-friendly gifts. Bukod sa personalized na ang mga ipangreregalo mo, siguradong mas maa-appreciate pa ito ng pagbibigyan mo.
5. Sale is real
Iwas-iwas muna sa pagrampa sa mga shopping mall dahil maraming mga thrift shops, tiangge o ukay-ukay na pwede mong puntahan kung saan pwede kang maka-buy ng mura ngunit quality pa ring mga pangregalo.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin pinalagan ang ama ni Liza Soberano: Hindi po namin sinabi na ayaw naming magtagumpay ang inyong anak
Pero ingat din mga ka-BANDERA sa makikitang “sale” at “discount” sa mga rarampahang tiangge dahil baka hindi mo namamalayan buy ka na nang buy kahit hindi mo naman need sa tunay na buhay at mawalan lang nang saysay ang mga tips na ito sa “kakatihan” ng kamay mo. Kaloka ka!
6. Buy and sell is the key
Open-minded ka ba? Kung may mga gamit ka sa bahay na napapakinabangan at pwedeng ibenta, gora na! Sure akong may mga nakatambak lang sa house n’yo na wala nang silbi sa inyo pero pwede pang ma-enjoy ng iba.
Huwag maging selfish sa panahong ito guys! Imagine, nakapag-declutter ka na at lumuwag ang inyong bahay, kumita ka pa nang bonggang-bongga!
7. Werk, werk, werk
Work from home ka lang ba? Kung yes, at keri mo pang rumaket sa ibang trabaho, go, go, go! Walang pipigil sa yo dahil isa yan sa pwedeng makatulong para madagdagan ang kita mo bago matapos ang taon.
Pero ingat-ingat din mga ate at kuya, huwag pilitin kung hindi na kaya ng katawang-lupa n’yo dahil baka sa halip na kumita ng extra, sa ospital ka pa rumampa. Of course, ang pinakamahalaga pa rin sa buhay ay ang ating health kaya huwag ipilit kung di na keribels ng powers.