Daniel Padilla nag-’delete’ ng breakup post, KathNiel may pag-asa pa?

Daniel Padilla nag-’delete’ ng breakup post, KathNiel may pag-asa pa?

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

USAP-USAPAN ulit sa social media ang ex-lovers na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Maraming netizens kasi ang nakapansin na binura ni Daniel sa Instagram ang breakup message para kay Kathryn.

Ang tanging makikita na lamang sa post ay ang throwback sweet picture nilang dalawa, ang solo photo ng aktres at ang caption na “Ikaw at ako.”

Baka Bet Mo: Joshua damay din sa KathNiel breakup, panglalaglag kay Daniel fake news

Noong November 30 nang kumpirmahin ng dalawa na hiwalay na nga sila matapos ang 11 years nilang magkarelasyon.

Mababasa pa nga sa post ni Daniel ang mahabang mensahe para sa dating girlfriend kung saan inihayag niya ang kanyang pasasalamat dahil hindi siya iniwan nito kahit ano pa man ang pinagdaanan niya sa buhay.

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows,” wika ni Daniel sa bahagi ng kanyang buradong caption.

Ani pa niya, “Our lives may drift aways, but our love will still ride that tide.”

Bukod diyan ay lubos din niyang pinasalamatan ang KathNiel fans na walang sawang sumuporta sa kanila.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla umiiyak, sinubukang bumalik kay Kathryn Bernardo, sey ni Cristy Fermin

Sambit ng aktor, “Maraming salamat sa pagmamahal ninyo. Maraming salamat sa napakagandang pinagsamahan natin. Hinding hindi namin ipagpapalit at hindi makukumpara kahit ano pang gawin nila.”

“Hinding hindi nila pwedeng sirain ‘yun. This is beyond show business. Pamilya kayo at mga kaibigan. Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan,” mensahe pa niya.

Dagdag niya, “I pray for us to grow, and heal.”

“Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggang at walang katapusan,” sey niya sa dulo ng kanyang post.

Dahil sa naging official breakup ng dalawa, marami talaga ang naapektuhan at nalungkot – hindi lang ang kanilang fans, kundi pati na rin ang ilang kapwa-artsita.

Pero kamakailan lang ay tila nabuhayan ng pag-asa ang fans na posible pang magkabalikan sina Kath at DJ matapos ang first public appearance nila together.

Nag-perform pa nga ang KathNiel sa Christmas Special 2023 ng ABS-CBN na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong December 13.

Pinatunayan ng dalawa na kahit nag-break na sila ay maayos pa rin ang relasyon nila sa isa’t-isa.

Samantala, makikita pa rin sa Instagram ni Kath ang breakup post niya.

Read more...