Dingdong, Piolo, Alden, tinilian, pinagkaguluhan sa loob ng MMDA

Dingdong, Piolo, Enchong, Alden, Derek tinilian, pinagkaguluhan sa loob ng MMDA!

Ervin Santiago - December 14, 2023 - 06:01 PM
Dingdong, Piolo, Enchong, Alden, Derek tinilian, pinagkaguluhan sa loob ng MMDA!

SA isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama ang ilang big stars sa Philippine showbiz para sa bonggang event ng Metro Manila Film Festival 2023.

Kaninang umaga, naganap ang inauguration ng Metro Manila Film Festival Auditorium na matatagpuan sa loob ng bagong MMDA building sa Julia Vargas Extension, Pasig City.

Ito’y dinaluhan ng mga lead stars ng ilan sa mga official entry sa MMFF 2023 kasama si Pasig City Mayor Vico Sotto at ang MMFF Execom member na si Boots Anson Roa.

Present sa event ang Primetime King na si Dingdong Dantes para sa pelikula nila ni Marian Rivera na “Rewind”, Ultimate Leading Man Piolo Pascual ng “Mallari”, Derek Ramsay ng “(K)ampon,” Enchong Dee of “Gomburza,” Eugene Domingo of “Becky and Badette,” Alessandra de Rossi of “Firefly,” Kylie Verzosa ng “Penduko,” at Alden Richards ng “Family Of Two (Mother and Son Story)”.

In fairness, talaga namang hiyawan ang mga tao sa loob ng MMDA building nang isa-isang dumating ang mga bida mula sa iba’t ibang MMFF entry. Maagang dumating sina Dingdong at Piolo sa venue kaya nachika namin sila sandali.

Baka Bet Mo: ‘Parade of Stars’ ng MMFF 2023 asahan sa CAMANAVA area sa Dec. 16

Sa short presscon sa loob ng MMFF Auditorium natanong ang mga celebrities kung ano ang mga expectation nila sa kanilang respective entries.

Unang sumagot si Dong, “With regards to expectations, ang kaya lang po talaga naming masagot diyan ay kung ano ang pwede naming ibigay as performers, maybe also as producers.

“Kasi sa totoo lang hindi po natin mapi-predict kung ano ang magiging reception ng mga manonood. Ayaw po naming mag-expect kasi gusto namin ‘yung mako-control lang po namin which is ‘yung aming performances.

“Pero gina-guarantee po namin na 100% po talaga ang aming commitment at ibinigay dito. So more than expectations, it is our prayer and our hope na ma-appreciate po talaga nila yung trabaho namin,” sey pa ng TV host-actor about their movie “Rewind” under Star Cinema.

Dagdag pa niya, “Let’s make this the most memorable Christmas not just for ourselves but also for our families and maybe hopefully for the industry.

“Kasi huwag na nating hintayin ‘yung next year, ‘yung bukas. Gawin na natin ngayon kasi hindi na natin ma-re-rewind ‘yung oras natin,” aniya pa.

Para naman kay Derek, feeling niya mahihirapan talaga ang mga Pinoy na pumili kung ano ang uunahin nilang panoorin simula sa December 25 dahil talaga namang magaganda ang lahat ng pelikulang kasali sa taunang filmfest.

“We have 10 great films. Siguro ang masasabi ko lang ay choice ng mga viewers kung ano ang uunahin will be really, really hard.

“Mahihirapan siguro ang mga viewers natin. I think here with 10 great films the viewers will have a difficult choice on which one to choose to watch first,” sabi pa ni Derek.

Sey naman ni Enchong, “Kumbaga gusto namin na tumagal siya, gusto namin na panoorin siya ng mga Filipino even after the Metro Manila Film Festival.

“And ‘yun ang pinaka-inspiration sa pelikula namin sa ‘Gomburza’, that it goes beyond the film festival, may it be here in the Philippines or outside the country.”

Pinuri naman ni Eugene ang MMFF organizers at MMDA, “Sa totoo lang nagsasayahan lang kami pero sa totoo lang kabadong-kabado kami, ako kabadong-kabado.

“Ako sa totoo lang kinakabahan ako. Ayaw ko na mag-expect. ‘Yun na lang, may mga bagay na hindi natin ma-control so talagang sinurender ko na sa Panginoon.

“At panay din naman ang hingi namin ng tulong sa kinauukulan, baka naman pwede tayong magtulungan na maging madali na sa lahat ng tao na makabili ng ticket.

“Maipaalam sa mga tao na may mga pelikulang pwede nilang panoorin at saka puntahan sa Pasko.

“So wala po akong ini-expect kung hindi gusto ko na lang i-congratulate lahat ng mga kasama ngayon sa MMFF, sa MMDA sa hindi natin pagsuko. ‘Yung lakas natin talagang lalo nating pinatitibay because we believe that this tradition is really important,” pahayag pa ni Uge.

Hirit ni Alessandra, “Expectations? Siyempre number 1 kami, charot! Ang ‘Firefly’ lang ‘yung talagang pampamilya. All ages are welcome.”

Ipinasa naman ni Alex ang microphone kay Piolo na tawa nang tawa sa pangungulit sa kanya ng aktres. Sey ni Papa P, sana raw ay bumalik na ang mga Pinoy sa mga sinehan.

“Sabi nga all cards on deck para sana lang talagang ay maibigay ng mga tao ang suporta. We always believe na may chance tayo na maipakita ang ganda ng pelikulang Pilipino.

“Sana ma-appreciate po ng lahat, hindi competition ito, magkakaibigan po kaming lahat, magkaka-contemporary tayo sa industriya so sana po talaga,” dugtong ni Piolo.

Ayon naman kay Kylie, “I guess it’s to enjoy the movie that we made para i-celebrate din ang pelikulang Pilipino.”

Ang ilan pa sa pelikulang kalahok sa MMFF 2023 ay ang “When I Met You in Tokyo” nina Vilma Santos at Christopher de Leon, “Broken Hearts Trip” na pinagbibidahan nina Christian Bables, Andoy Ranay, Petite at Iyan Mina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago ang pagsisimula ng filmfest sa December 25, magkakaroon muna ng Parade of Stars sa December 16, Sabado na iikot sa apat na siyudad sa CAMANAVA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending