Marian, Heart mahigpit na nagyakapan nang magkita

Marian, Heart mahigpit na nagyakapan nang magkita sa birthday party ni Atty. Gozon

Ervin Santiago |December 10,2023
facebook
share this

Marian, Heart mahigpit na nagyakapan nang magkita sa birthday party ni Atty. Gozon

Ervin Santiago - December 10, 2023 - 11:39 AM

Marian, Heart mahigpit na nagyakapan nang magkita sa birthday party ni Atty. Gozon

Marian Rivera, Heart Evangelista

MAKALIPAS ang mahabang panahon, muling nagkrus ang landas ng dalawang reyna ng GMA 7 na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Super bonding at chikahan ang dalawang aktres nang magkita sa 84th birthday ni GMA Network chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.

Naganap ang bonggang selebrasyon ng kaarawan ng GMA top executive sa Isla Ballroom sa EDSA Shangri-La Hotel kagabi, December 9.

Sa Instagram page ng Sparkle, ang talent management ng GMA 7, makikita ang mga celebrities na nakisaya sa party ni Gozon, kabilang na nga sina Marian at Heart.

May isang video naman na in-upload sa TikTok kung saan mapapanood sina Marian at Heart na nagyakapan nang mahigpit at nagchikahan nang bonggang-bongga.

Kitang-kita sa mga mukha ng dalawang Kapuso queens ang sobrang kaligayahan nang muling magkita nang personal makalipas ang ilang taon.

Baka Bet Mo: Marian sa pag-aayos nila ni Heart: ‘Kung anuman ‘yung pinag-usapan namin, ibalato n’yo na lang sa amin’

Kung matatandaan, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Heart at Marian nang dahil kay Dingdong Dantes. Simula noon hindi na sila nagpansinan at tuluyan nang nagdedmahan.

At nito nga lang nagdaang buwan, ibinandera nina Heart at Marian na okay na okay na sila at looking forward na magkita muli nang personal.

“Marian and I, we’ve always liked each other. And it’s a true testament that you know, queens should always be supporting queens,” sey ng wifey ni Sen. Chiz Escudero.

Isang blessing kung ituring ni Heart ang panibagong yugto ng pagkakaibigan nila ni Marian, “I really do give credit to Marian. She really spoke to a lot of our common friends that she’d like to see me, ganyan.”

“Parang magpapasalamat ka na lang na things were done and things were removed for the better. So, I think, for me, that’s all I need.

“Everything else, like, you know, people that I was friends with before, like for example Marian, you realize that it’s such trivial matters for it to be even be anything.

“Mas may ibang mas nakakasakit sa iyo na talagang kailangang tanggalin ni Lord. May iba na deserving. So I’m very, very happy that Marian and I are okay,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Jericho Rosales mahigpit ang yakap kay Heart, nagkasamang muli sa reunion ng OG Start Magic babies

“Can you imagine a lot of artists nakaka-cancel sila for something so little? Because yung expectation ng tao is ang taas-taas. ‘Ang perfect nila.’ It’s not like that at all.

“I feel like I’m one of the brave ones to start. But yun siya, e. And I’m really appreciative na nagugustuhan ng tao at appreciative rin sila,” sey pa ni Heart.

Samantala, inihayag naman ni Gozon sa kanyang birthday party ang pagbaba niya bilang chairman at CEO ng GMA Network effective January 1, 2024. Pero siya pa rin ang tatayong chairman of the board at adviser.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si GMA president and chief operating officer Gilberto R. Duavit, Jr. ang papalit bilang CEO ng Kapuso Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending