PINALAGAN ng social media personality na si Xian Gaza ang naging pahayag ng ina ni Andrea Brillantes tungkol sa kung paano niya pinalaki ang kanyang anak.
Matatandaang kamakailan lang nang mag-viral ang sagot ni Mabel Gorostiza nang tanungin siya kung paano niya pinalaki si Andrea na kasalukuyang nasasangkot sa hiwalayang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang KathNiel.
Hindi naman napigilan ni Xian na sagutin si Mommy Belle na ibinanderang si Andrea ang nakapagpatayo ng kanilang bahay at nakapagpaaral ng kanyang mga kapatid.
Baka Bet Mo: Xian Gaza sa kinakaharap na isyu nina Vice at Ion: ‘Yung isipan lang po natin ang malaswa
Aniya, hindi raw ito nakaka-proud lalo na’t hindi naman dapat si Andrea ang gumagawa ng mga bagay na ‘yun.
“Mommy Belle, hindi ka po dapat proud na si Andrea ang nakapagpagawa ng bahay niyo at nakapagpatapos ng mga anak mo sa school. Kasi kapag ipinagsigawan mo po ito eh para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko,” saad ni Xian.
Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko po kayo maaaring husgahan dahil hindi ko po alam ang buong kwento ng inyong pamilya.”
Baka Bet Mo: Ina ni Andrea Brillantes pumalag sa tanong kung paano niya pinalaki ang aktres
Bandera IG
Pagpapaalala ni Xian, dapat ay mag-ingat ang bawat isa sa mga binibitiwang salita at huwag magpadala sa bugso o silakbo ng damdamin.
Pinaalala pa niya sa madlang pipol na responsibilidad ng mga magulang ang pag-aralin at bigyan ng maayos na buhay ang mga anak.
Sey ni Xian, “To the public, responsibilidad ng isang magulang na mapagtapos kayo hanggang grade 12. Bonus na lang yung college. Responsibilidad din nito na mabigyan kayo ng maayos na tahanan.”
Baka Bet Mo: Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful
Nag-remind rin ito sa mga anak na hindi nila responsibilidad ang mga kapatid pero ok lang ang tumulong out of love.
“Hindi niyo responsibilidad yung mga kapatid ninyo. Tumutulong lang kayo sa kanila out of pagmamahal. At kung natulungan nila kayo, ayan ay tinatawag na utang na loob,” sabi ni Xian.
Giit pa niya, “Huwag niyo silang abusuhin. Hindi nila kayo obligasyon. Hindi nila kasalanan kung bakit hindi makapag-provide ng maayos yung mga magulang niyo. Mahigpit na yakap sa lahat ng mga Ate at Kuya na breadwinner ng pamilya!”