‘Parade of Stars’ ng MMFF 2023 asahan sa CAMANAVA area sa Dec. 16

‘Parade of Stars’ ng MMFF 2023 asahan sa CAMANAVA area sa Dec. 16

PHOTO: Facebook/Valenzuela City

MAGSISIMULA na sa December 16, Saturday, ang 49th Metro Manila Film Festival (MMFF)!

Bago masilayan sa big screen ang “Magic 10,” aarangkada na muna ang tinatawag na “Parade of Stars.”

Mangyayari ito sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area.

Para sa kaalaman ng marami, ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng MMFF na kung saan ang taunang parade ay dadaan sa apat na siyudad.

Asahan na paparada sa mga nabanggit na lugar ang makukulay at bonggang floats sakay ang mga sikat at bigating mga artista mula sa sampung official entries ng film fest.

Magugunita na ang movie lineup sa taong ito ay ang “A Family of 2 (A Mother and Son Story),” “(K)Ampon,” “Penduko,” “Rewind,” “Becky and Badette,” “Broken Heart’s Trip,” “Firefly,” “GomBurZa,” “Mallari,” at “When I Met You in Tokyo.”

Payo ng organizer ng taunang pagdiriwang na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista, iwasan ang Camanava area sa nabanggit na petsa dahil libu-libo ang inaasahang manood ng star-studded parade.

Baka Bet Mo: MMFF record-breaking ang natanggap na ‘script entries’, Top 4 pipiliin na

“The parade will kick off at 2 pm from the Navotas Centennial Park; and will travel through C4, Samson Road, and Mc Arthur Highway up to the Valenzuela People’s Park where the main event will take place,” sey sa inilabas na pahayag ng MMDA.

Anila, “It will run for 8.7 kilometers, with an estimated travel time of three hours.”

Sinabi rin ng ahensya na nakipag-uganayan na sila sa mga lokal na pamahalaan ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela, pati na rin sa Philippine National Police (PNP), Office of Civil Defense-NCR (OCD NCR), at ilan pang concerned agencies upang matiyak na ligtas at secure ang isasagawang event.

“This year’s parade of stars will traverse four cities as we want more people to have a glimpse of the casts of the 10 MMFF entries,” sey ni MMDA Acting Chairman and concurrent MMFF Over-all Chairman Atty. Don Artes.

Paliwanag pa niya, “With the expected influx of spectators and movie fans, we have prepared a traffic management plan to mitigate the effects on vehicular flow.”

Ipatutupad ng MMDA ang temporary lane closures at counterflow simula 12 p.m. hanggang 8 p.m. sa mga sumusunod: 

 

Baka Bet Mo: Brillante Mendoza sa pelikulang hindi nakapasok sa MMFF 2023: ‘It’s OK…I didn’t expect much’

Inaasahan din ang matinding trapiko sa kahabaan ng Samson Road, Mc Arthur Highway at perpendicular Roads dahil tiyak na dadagsa ang mga tagahanga ng mga pelikula.

Ang mga motorista na walang importanteng gagawin sa lugar ay hinihikayat na iwasan ang apektadong ruta upang maiwasan ang abala at dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta: 

 

Ang mga pelikula ng 49th MMFF ay mapapanood sa mga lokal na sinehan simula December 25 hanggang January 7.

 Organized by the MMDA, ang layunin ng film festival ay para ma-promote at ma-enhance ang ang preservation ng Philippine Cinema.

Ang mga kikitain ng film festival ay mapupunta sa ilang beneficiaries sa film industry, kabilang na riyan ang Movie Workers Welfare Foundation Inc., Motion Picture and Anti-Film Piracy Council, FDCP, at Optical Media Board.

Read more...