PINALAGAN ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang isang netizen na nagsasabing umaasa sa kanya ang kanyang Nanay Rosario.
Nag-umpisa ito sa naging diskusyon ng mga netizens tungkol sa naging statement ni Mabel Gorostiza, mommy ni Andrea Brillantes, kung paano niya pinalaki ang anak.
Tuluyan ngang nadamay ang ina ni Vice Ganda nang kontrahin ng isang netizen ang sinabi ni Mabel at sinabi niyang responsibilidad ng mga magulang ang mag-provide para sa mga anak lalo na sa edukasyon ng mga ito.
Depensa ng isang netizen, naging responsableng anak si Andrea dahil sa maayos na pagpapalaki ng kanyang ina sa kanya.
Sey naman ng isang netizen, “Hindi ako fanney ni Blythe or kahit sinong artista.. pero kung yan ang punto mo, aba’y isali mo na lahat nang nanay ng mga artista na umasa sa kanila gaya ng nanay ni VICE GANDA, nanay ni FRANCINE, nanay ni KATHRYN B., nanay ni BEA ALONZO, etc. Lahat po sila breadwinner.”
Mukhang hindi naman nagustuhan ng “It’s Showtime” host ang pagkakadawit ng kanyang ina sa usapin at ipinagtanggol ito.
Baka Bet Mo: Vice Ganda tinawag na ‘hindi tunay na babae’ ni Cristy Fermin
Depensa ni Vice, kailanman ay hindi umasa sa kanya ang ina kahit na kumikita na ito ng malaki.
Pagbabahagi pa nito, pinili ng kanilang Nanay Rosario na malayo sa kanilang piling para makapag-provide para sa pamilya.
Sey ni Vice Ganda, “Ahhhhhhhh excuse me! Never umasa sakin ang Nanay ko. Nagpakabayani sya sa ibang bansa para magkapagpadala sa amin sa Pinas at makaraos kami.
“May ipon ang Nanay ko. Wag mo syang isali sa kung anumang diskusyon nyo!”
Umani nga ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naging pahayag ni Meme Vice.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’
“Ngayon na nga lang nakapagpahinga Nanay ni meme sa ilang taon na pagtatrabaho sa ibang bansa eh, kaya ngayon sobrang spoiled nya and I say dasurb! Sana nanood ka man lang ng recent vlogs nila hay!” sey ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Walang nanay ang umaasa sa mga anak nila, ang mga anak na responsable at mahal ang magulang ang nagpipresenta na maging reyna ang mga nanay nila. Kung may pera lang din ako katulad nila meme vice, aba! gagawin kong reyna at hari sa loob ng bahay namin ang parents ko.”
“Sige meme, basagin mo pangaralan mo, this is a scenario where think twice or more before you say it or research your facts before you post it, di kayo papalampasin ni meme. pag nanay talaga pag uusapan wag nyo idadamay sa ganyan,” sey naman ng isa.