Gloria Diaz nanindigan na dapat may sariling beauty pageant ang transwomen

Gloria Diaz nanindigan na dapat may sariling beauty pageant ang transwomen

Gloria Diaz

TULAD ng mga nauna niyang opinyon, nanindigan pa rin si Miss Universe 1969 Gloria Diaz na dapat may sariling beauty contest ang mga transgender women.

Ang sa tingin niya raw kasi, hindi ito patas dahil obvious naman daw na mas lamang ang mga ito kumpara sa mga kababaihan.

“Don’t get me wrong, I have nothing against them. I have a lot of beautiful transgender friends,” panimula niya matapos tanungin sa isang press conference kamakailan lang.

Chika niya, “Actually, I think they will beat all those biological women because they’re better with the movements. They know better how to project themselves.”

“It’s not fair. They should really have their own. We should let them compete in their own Miss … I don’t know what title to use. Like sports, it’s a different ball game altogether. I just heard someone say, let’s say a biological woman experiences menstrual problems on the night of the contest, then this is already unfair compared to the trans,” paliwanag pa niya.

Baka Bet Mo: Gloria Diaz tinanong si Zanjoe Marudo kung gusto rin ng bagong ‘toy’: You will like it!

Aniya pa, “It’s an unbalanced and unfair competition.”

Kung maaalala, noong Mayo lamang nang huling tanungin ang dating beauty queen patungkol dito.

Bukod sa transwomen, umalma rin siya sa pagsali ng mga babaeng kasal, at may anak sa presitihiyosong Miss Universe pageant.

“My personal opinion—which is not to be taken in the negative way—dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe,” pagbabahagi ni Gloria.

Sey pa niya, dapat talaga ay kanya-kanya para mas maraming chance na magwagi ng title ang bansang inire-represent nito.

“Dapat kanya-kanya! O sige, di at least it gives people more chances, di ba? Kasi, you’re representing this country. Eh, kung may mas magandang babae o mas magandang tranny… mas mahirap kalaban ang tranny,” saad ng beauty queen-actress.

Si Gloria ang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng korona sa Miss Universe noong 1969.

Samantala, showing na sa December 25 ang pelikulang kinatatampukan niya na “Mallari” bilang bahagi ng MMFF 2023. 

Very proud si Gloria sa nasabing pelikula dahil ang Warner Bros. Pictures nga ang magdi-distribute nito sa Pilipinas maging sa iba pang bansa.

Ayon kay Gloria, excited na siya para sa pelikula dahil umaasa siya na hahataw sa takilya ang kanilang entry na siya ring kauna-unahang horror movie ni Piolo Pascual.

Read more...