Ella Pangilinan, Enrique Miranda ikinasal na | Bandera

Ella Pangilinan, Enrique Miranda ikinasal na

Therese Arceo |December 07,2023
facebook
share this

Ella Pangilinan, Enrique Miranda ikinasal na

Therese Arceo - December 07, 2023 - 04:36 PM

Ella Pangilinan, Enrique Miranda ikinasal na

Ella Pangilinan at Enrique Miranda

IKINASAL na ang kapatid ni Donny Pangilinan na si Ella Pangilinan sa fiancèe nitong si Enrique Miranda.

Nitong Miyerkules, December 6, nagganap ang kanilang pag-iisang dibdib matapos ang anim na taong pagiging magkasintahan.

Ginanap ang kasal nina Ella at Enrique sa Puerta Real Gardens sa Intramuros habang ang reception naman ay sa Casa de Memoria.

Naging star-studded nga ang kasal ng dalawa dahil sa dami ng mga bista nila mula sa showbiz at iba pa mula sa creatives industry.

Baka Bet Mo: Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj certified singer na rin, naglabas ng debut single

Aware naman ang nakararami na si Ella ay mula sa angkan ng mga celebrities. Ang kanyang ina na si Maricel Laxa, kapatid na si Donny Pangilinan, pinsan na si Gab Pangilinan, at tiyuhin na si Atty. Kiko Pangilinan ay ilan sa mga personalidad na dumalo sa kanilang kasal.

Present rin ang pamilya Valenciano na sina Gab, Kiana, Paolo, at Gary na siya ring nagsilbing musical director sa kanilang kasal.

Present rin ang aktres at kaibigan ni Ella na si Julia Barretto kasama ang kapatid nitong si Claudia. Kasama rin nila ang kaibigan ng ina na si Ruffa Gutierrez. Maging ang Kapamilya journalist na si Karen Davila ay um-attend rin sa kasal.

Baka Bet Mo: Benj Pangilinan pampa-’good vibes’ ang bagong single na ‘Dance Like You’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ella Laxa Pangilinan (@ellapangilinanx)

Spotted rin ang mga bigating personalidad sa iba’t ibang larangan na sina Vicki Belo at Hayden Kho, Vogue executive na si Rhoda Aldanese.

Dumalo rin ang designer ng brodal gown ni Ella na si Rajo Laurel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang December 2022 nang ianunsyo ng dalawa ang kanilang engagement.

Kamakailan lang nang mag-trending si Ella matapos niyang ibahagi ang kanyang Despedida de Soltera kung saan nagbigay ng kanilang mga mensahe ang kanyang mga kapamilya at kaibigan bago nito tahakin ang bagong chapter ng kanyang buhay bilang may asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending