JUDAY pabubuntis uli kay RYAN: Mas gusto ko baby boy uli!
Kung mabubuntis daw uli siya, mas gusto ni Judy Ann Santos na baby boy pa rin ang maging anak nila ni Ryan Agoncillo. Quota na raw kasi siya sa panganay na si Yohan kaya sana raw lalaki pa rin ang next baby nila.
Sa Kris TV, tinanong mi Kris Aquino si Juday kung trip pa rin nila ni Ryan na sundan si Lucho, sey ng Soap Opera Queen, “Kung pagbibigyan kami, gusto ko sana baby boy uli, kasi okay na sa akin ang isang girl, feeling ko quota na ako kay Yohan.
Hindi naman sa choosy, ha! Ha-hahaha.”Pero iba pa rin kasi kapag babae, iniisi mo, siyempre, pag lumaki na ‘yan, liligawan, magkaka-girlfriend, aminin natin iba yung magiging pakiramdam kapag babae ‘yung iniintindi ko, kasi kapag lalaki, mas kampante ka, mas palagay ang loob ko.
But of course, at the end of the day, girl or boy basta healthy ang bata, okay sa akin,” paliwanag ni Juday. Sa isa pang episode ng Kris TV tinanong naman ni KC Concepcion si Kris kung nakikipag-date siya ngayon, isang mabilis na hindi ang sagot nito.
Sey ng Queen of All Media, “No, talaga. Kasi hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Ha-hahaha!”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.