Romnick, Harlene pumayag uling magsama

Romnick, Harlene pumayag uling magsama para sa 18th birthday ni Bo Bautista

Ervin Santiago |December 06,2023
facebook
share this

Romnick, Harlene pumayag uling magsama para sa 18th birthday ni Bo Bautista

Ervin Santiago - December 06, 2023 - 12:30 AM

Romnick, Harlene pumayag uling magsama para sa 18th birthday ni Bo Bautista

Federico Moreno, Harlene Bautista, Bo Bautista at Romnick Sarmenta

WALANG isyu at problema sa pagitan ng dating magkarelasyon na sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista na nagmahalan at nagsama rin ng matagal na panahon.

Pinatunayan ng ex-couple na handa nilang gawin ang lahat para sa kaligayahan at kapakanan ng kanilang mga anak.

Iyan ay matapos silang muling magkita at magkasama para sa napakabonggang 18th birthday celebration ng kanilang anak na si Bodhana Yoomee Tejedor o mas kilala ngayon sa screen name na Bo Bautista.

Idinaos ang debut ni Bo sa Sofitel Hotel Luzon Ballroom nitong nagdaang Huwebes ng gabi na dinaluhan ng kanyang mga kapamilya, kaibigan in and out of showbiz at ilang members ng entertainment media kasama ang inyon linked.

Baka Bet Mo: Romnick Sarmenta maayos ang relasyon kay Harlene Bautista, magkasundo sa pag-aalaga, pagpapalaki sa 5 anak

Bukod sa nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe para sa debutanteng anak, hindi rin nagdamot ang dating magdyowa sa mga photo opt kasama si Bo at ilang mga bisita nito.


At in fairness, walang bawal-bawal sa mga inimbitang bisita dahil kasama ni Harlene that night ang boyfriend niyang si Federico Moreno na anak ng yumaong si German Moreno, at ka-date naman ni Romnick ang partner niya si Barbara Ruaro na isa ring aktres.

Si Romnick ang unang nagsayaw sa anak para sa 18 Roses at kabilang din sa segment na ito ng debut ang boyfriend ni Harlene.

Pero very obvious na umiiwas talaga si Romnick na mahagip ng mga camera na nakatutok sa kanila dahil palagi nga itong nakatalikod.

Ilan pa sa mga celebrity na dumalo sa party ay ang Kapuso stars na sina Jillian Ward at Joaquin Domagoso at ang Kapamilya artist na si AC Bonifacio.

Baka Bet Mo: Ruffa Gutierrez inintriga ni Harlene Bautista sa kanyang Valentine’s post: What am I doing there?

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang 18-year-old daughter nina Romnick at Harlene ang isa sa ipinakilalang Starkada sa Star Center Artists ng NET 25 na mina-manage ni Eric Quizon.

Kasama si Bo at iba pang Starkada talents sa bagong entertainment talk show na “Glitter Entertainment Chatter Show” na mapapanood sa Glitter Facebook at YouTube channel ng direktor na si Perry Escaño.

Nagsimula na ito last sa December 3, sa Facebook page ng Glitter at may replay sa YouTube channel nito.


Sabi ni Bo, “Actually, nagulat nga po ako na gusto ako isama dito kasi, yun nga po, first time ko pong mag-hosting. And since yung parents ko ay part ng showbiz, medyo naano ako… natakot ako. Medyo hesitant ako in the first place kasi ayokong maano sa mga issue, ganu’n.

“Pero, since yung mga na-assign naman po sa amin ay mga wholesome naman, yung mga trends, ganun, okay naman po sa akin and okay naman po sa kanila,” aniya pa.

Nabanggit din ni Bo na maayos ang set-up ngayon ng kanyang parents, “Alam ko na yung knowledge ko about dun, at siguro mga issue na tatanungin sa akin. Kung alam ko talaga yung sagot du’n, and alam kong okay siyang i-share, sasabihin ko naman po.

“At saka sa akin naman po, wala naman pong negative na ano sa parents ko. For example, kung tatanungin po about dun sa situation nila, okay naman po ako dun, wala pong issue talaga,” sey pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakatira si Bo at ang iba pa niyang mga kapatid sa bahay ni Harlene pero sey ni Bo, kahit anong oras ay puwede naman silang makipagkita at makipag-bonding kay Romnick.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending