Romnick Sarmenta maayos ang relasyon kay Harlene Bautista, magkasundo sa pag-aalaga, pagpapalaki sa 5 anak | Bandera

Romnick Sarmenta maayos ang relasyon kay Harlene Bautista, magkasundo sa pag-aalaga, pagpapalaki sa 5 anak

Ervin Santiago |August 25,2022
facebook
share this

Romnick Sarmenta maayos ang relasyon kay Harlene Bautista, magkasundo sa pag-aalaga, pagpapalaki sa 5 anak

Ervin Santiago - August 25, 2022 - 12:15 PM

Harlene Bautista at Romnick Sarmenta kasama ang 5 anak

Harlene Bautista at Romnick Sarmenta kasama ang 5 anak

MAAYOS ang relasyon ngayon ng ex-celebrity couple na sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista at maligaya na rin sa kani-kanilang personal life.

Game na game na sinagot ng aktor ang mga tanong tungkol sa kanyang lovelife at sa anak niya sa karelasyong aktres na si Barbara Ruaro.

Unang nilinaw ni Romnick na bago pa man nila isinapubliko ni Barbara ang kanilang relasyon pati na ang pagkakaroon nila ng anak, sinabi na niya sa mga anak nila ni Harlene ang tungkol dito.

Naipakilala na rin daw niya ang anak na lalaki na si Raza sa mga anak niya kay Harlene, “Ang unang concern ko was to tell my kids. And to make it clear, before I got into a relationship again, talaga, I had to talk to my kids.

View this post on Instagram

A post shared by Nick Sarmenta Tejedor (@nicksarmenta)


“Kailangan kong ipaliwanag sa kanila. Kailangan kong sabihin sa kanila. And I had to make them feel at masiguro nila na nothing is changing.

“May madadagdag sa buhay ko, may madadagdag sa buhay ng mama nila but it doesn’t change who they are and what they are to us,” pagbabahagi ni Romnick sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay.”

Patuloy pa niya, “So nu’ng sinabi ko na nagdadalang-tao kami, sabi ko ‘we’re pregnant.’ Actually I didn’t expect them to be so excited about it.

“Tapos wala na, inutusan na nila ako na kailangan lalaki ‘yan. Tapos hanggang sa bunsong babae ‘yun ang sabi niya ‘Papa, I want a brother.’ Kasi puro sila sisters.

“Si kuya lang nila ang lalaki. So sabi ko we will see whatever the Lord gives us, hindi ba? But the moment we found out na it’s a boy I told them and they just couldn’t wait to see him,” kuwento ni Romnick na may limang anak kay Harlene.

Kasunod nito, ibinahagi rin ng aktor na maayos ang co-parenting agreement nila ng dating asawa, “We are okay. I’d like to think we are okay. We don’t get to hang out or hindi kami ang tipo na siguro iniisip ng iba, ‘so paano nagkukuwentuhan kayo pala?’ Hindi naman, hindi naman din.

“When it comes to the kids siyempre pinag-uusapan namin. If she has concerns with the kids babanggitin niya. if I have concerns with the kids babanggitin ko. We are open that way. Maluwag naman,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuwento pa ni Romnick ang isa niyang anak kay Harlene na si Zeke ay nag-aaral ngayon sa Australia.
Maraming nanghinayang nang kumpirmahin nina Romnick at Harlene ang kanilang paghihiwalay noong 2018 makalipas ang 19 na taong pagsasama bilang mag-asawa.

Romnick Sarmenta nagpasaring sa taong ginagawang excuse ang ‘art’ sa pagbabago ng katotohanan

Romnick todo puri sa KathNiel: Wala silang pinipiling kasama, kung sinuman sa kanila ang naging anak ko matutuwa ako

Hipon Girl ‘nabudol’ ni Alex, nag-iiyak nang bilhan ng branded bag at sapatos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending