DonBelle may bonggang pa-Christmas party sa mga fans ng ‘Can’t Buy Me Love’
MAY bonggang pasorpresa ang ABS-CBN para sa lahat ng fans at supporters ng phenomenal loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Dahil sa tinatamasang tagumpay ng Kapamilya at Netflix romcom series na “Can’t Buy Me Love,” magkakaroon ng thanksgiving event ang DonBelle.
Makikipag-bonding sina Donny at Belle sa mga fans sa pamamagitan ng “Can’t Buy Me Love Pasasalamat Christmas Party” na magaganap sa activity center ng Market!Market! sa Taguig on December 9.
Ito na ang pagkakataon na makita ng mga DonBelle fans up close and personal ang kanilang mga idol.
View this post on Instagram
“I’m very happy with the feedback ‘coz like us, they also try to guess what’s going to happen. ‘Yun talagang as they watch, we watch with them,” sey ni Belle sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo:
“It’s been a whirlwind of emotions, ang daming nangyari. I’m still adjusting to the teleserye life, ’cause it’s something that’s really taking a lot of our time.
“But I’m really happy na kahit paano nagiging worth it din kasi napapanood ng fans ‘yung pinaghirapan namin,” sey naman ni Donny.
In fairness, consistent ang “Can’t Buy Me Love” sa Top 10 list ng most viewed series sa Netflix at umabot na sa mahigit 475,000 peak concurrent viewers o kasama na yung mga nanonood sa Kapamilya Online Live at the same time.
Isa na siguro kami sa libu-libong regular at madibdibang nanonood ng “Can’t Buy Me Love” dahil hindi lang maganda ang kuwento kundi magagaling pa ang lahat ng artistang kasama rito.
Agree rin kami sa mga nagsasabi na malayung-malayo pa ang mararating ng DonBelle kung patuloy silang magsisipag at magsusumikap sa kanilang napiling trabaho.
Napapanood din ang mga bagong episode ng “Can’t Buy Me Love” sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, TFC, iWantTFC, A2Z at TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.