Anne pasok sa Madame Tussauds, lumebel kina Nicole Kidman at Angelina Jolie | Bandera

Anne pasok sa Madame Tussauds, lumebel kina Nicole Kidman at Angelina Jolie

Ervin Santiago - December 04, 2023 - 07:15 AM

Anne pasok sa Madame Tussauds, lumebel kina Nicole Kidman at Angelina Jolie

Anne Curtis

BONGGA! Kumpirmado nang mapapasana na rin si Anne Curtis sa mga Filipino celebrity na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong.

Makakahilera na ng TV host-actress ang mga kilalang personalidad all over the universe na nabigyan ng wax figure sa sikat na sikat na Madame Tussauds museum.

Sa official social media ng Madame Tussauds, makikita ang mga litrato ni Anne habang sinusukatan at kinukunan ng detalye ang kanyang itsura at katawan.

Ayon sa isang ulat, ang pagkokopyahan ng image at damit ni Anne ay mula sa kanyang “iconic fashion moment.”

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi rin ni Anne ang mga naturang litrato at nilagyan ng caption na, “I’d like to share that I am honored, thrilled and excited. This is amazing. I can’t believe that I’m gonna have my very own wax figure.”

Baka Bet Mo: Dakota Johnson bagong superhero ng Spider-Man Universe, gaganap bilang ‘Madame Web’

Dagdag pa niyang mensahe, “Hindi ako makapaniwala ‘yun ‘yung totoo. Is this really happening?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“Sobra lang akong natuwa excited, kilig and honestly until now hindi pa din ako makapaniwala na this is happening. I’m just so excited and thankful,” sey pa ng aktres at celebrity mom.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez ginawang thesis subject ng isang loyal fan: It’s really humbling

Ang soon-to-be-launched wax figure ng Kapamilya star ay idi-display sa Glamour Zone ng naturang museum kasama ang iba pang kilalang Hollywood celebrities. Siya ang first Filipina na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds “Hong Kong Glamour Zone”.

Ka-level niya rito sina Hollywood Nicole Kidman, Robert Pattinson, Angelina Jolie, Brad Pitt, at Chris Hemsworth.

Si Anne ang ikaapat na Pinoy na Filipino na nabigyan ng wax statue sa nasabing museum kasama sina Pambansang Kamao Manny Pacquiao at Miss Universe queens Pia Wurtzbach and Catriona Gray.

Sa mga hindi pa aware, si Madame Tussaud ay isang French artist na nakilala sa kanyang bonggang wax sculptures. She founded the Madame Tussauds museum in 1835 sa France.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang branch ng Madame Tussauds ay matatagpuan sa Dubai, United Arab Emirates, Amsterdam, Netherlands, London, United Kingdom, at Sydney, Australia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending