Marissa Sanchez na-bully ng mga big stars: Mayayabang ang mga artista noon
MARAMING kilalang celebrities ang nangnega at nam-bully sa singer-comedienne na si Marissa Sanchez.
Yan ang inamin ni Marissa nang makachikahan namin siya recently sa naganap na presscon para sa upcoming concert niyang “My Valentine’s in December”.
Simulang pagbabahagi ng komedyana, “Ano kasi, e…basta ang masasabi ko, mas marespeto ang mga artista noon pero mayayabang… ngayon, hindi naman sila mayayabang pero mga walang respeto.
“Na-bully kasi ako noon. Kunwari, favorite ako ni aktor, tsaka ni director tapos makikita nila na favorite ako. So, bubulihin nila ‘ko. Mga baby steps na pambu-bully. Yung subtle pero tumatatak,” sey ng aktres.
Mga big stars pa raw ang gumawa ng hindi maganda sa kanya at ang isa rito ay active pa rin sa showbiz ngayon.
Sa tanong namin kung gumanti ba siya sa mga nam-bully sa kanya, “Hindi naman. Pero hindi ako magpapakasanta na sasabihin kong hindi ko naisip na gumanti. Siyempre, tao lang din tayo.
Baka Bet Mo: Hinaing ni Marissa Sanchez: Mas marami pang raket ang Manager ko kesa sa akin!
“Tsaka, di ba, sinasabi nila, habang nabubuhay ka do as you wish, gawin mo kung anong magpapaligaya sa yo. So kung sinunod ko yun, e, di sana ang dami ko nang pinatay ngayon,” ang natatawang sabi pa ni Marissa.
Pinagkumpara rin niya ang mga artista noon sa mga artista ngayon, “Mas professional ang mga artista nu’n, on time, magagaling…magagaling din naman ang mga artista ngayon pero iba pa rin yung atake ng mga artista noon. Pero napansin ko parang wala silang protocol, yung mga batang artista ngayon.
“Yung dapat, di ba, kapag mga lumang artista dapat may respeto sila, may galang sila. Kasi ngayon yung iba hindi punctual, naglalaro yung mga bata at may sarili silang mundo, yun nga mga walang respeto, pero hindi sila mayayabang.
“Nararamdaman ko naman yung feeling nila na alam nila na wala silang karapatang magyabang kasi wala pa silang napapatunayan. Pero makatwiran sila, sumasagot. Parang yung anak ko rin, ganu’n na yata talaga ang mga kabataan,” dagdag pa niya.
Samantala, damhin uli ang kilig ng Araw ng mga Puso ngayong Disyembre sa pasorpresa ni Marissa Sanchez sa kanyang birthday concert na “My Valentine’s in December”.
Kasabay din nito ang relaunch ng ipinagmamalaki niyang libro na “My Farewell Slam Book (with scrapbook).”
Mula sa Viva Artists Agency at EV Production and Events, dadalhin ni Marissa ang audience sa kakaibang romantic experience with her star-studded guests.
Nandiyan celebrity showbiz writer at vlogger na si Ogie Diaz at ang Original Prince of Pinoy Pop na si Dingdong Avanzado.
Makikisaya rin ang mga guwapo at talentadong personalities na sina Wilbert Ross, Jeffrey Hidalgo, Ronnie Liang, at JM de Guzman bilang special guests.
Nandiyan din ang Mulatto Boys bilang opening act para sa “My Valentines in December.”
Mula sa musical direction ni Maestro Elmer Brillantes Blancaflor at sa direksyon ni Vivian Poblete-Blancaflor, ang “My Valentines in December” ay magaganap sa Samsung Hall, SM Aura, sa December 8, at 8 p.m..
Ang matagumpay na libro naman ni Marissa na “My Farewell Slam Book” na unang na-publish noong
September at nakaagaw-pansin ng madlang pipol dahil temang “kamatayan”, ay muling ilulunsad sa naturang concert.
Ang kaniyang libro ay mabibili din sa araw ng concert sa halagang P850.
Sa mga gustong bumili ng ticket o may mga katanungan, tawagan lamang ang mga numerong 09217672521 at 09613103641.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.