Kapatid ni Michelle Dee bagong 'crush ng bayan'

Kapatid ni Michelle Dee na si Abraham Lawyer bagong ‘crush ng bayan’

Therese Arceo |November 28,2023
facebook
share this

Kapatid ni Michelle Dee na si Abraham Lawyer bagong ‘crush ng bayan’

Therese Arceo - November 28, 2023 - 05:31 PM

Kapatid ni Michelle Dee na si Abraham Lawyer bagong 'crush ng bayan'

UMAANI ng atensyon mula sa mga netizens ang nakababatang kapatid ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na si Abraham Lawyer.

Sa muling pagbabalik ng Kapuso actress-beauty queen sa bansa matapos ang kanyang pananatili sa El Salvador at Mexico para sa Miss Universe 2023, nag-guest agad ito sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, November 27.

Bukod nga kay Michelle ay sorpresang napasama rin si Abraham sa panayam ng dalaga sa King of Talk.

Parang celebrity nga nang pagkaguluhan ang binata habang kasa-kasama ng kanyang ate.

Hindi naman mapigilan ni Tito Boy na usisain ang Abraham lalo na at kapansin-pansin ang itinatagong charm at good looks ng binata kaya tinanong niya ito kung balak ba niyang pasukin ang mundo ng showbiz gaya ng kanyang ate.

“Yeah,” sagot ng binata dahil hindi ito masyadong maalam sa pagsasalita ng tagalog.

Baka Bet Mo: Michelle Dee magbabalik showbiz matapos ang Miss Universe journey

Sundot naman ni Michelle, “If the opportunity presents itself [to Abraham] , we’re a family [that are mostly in showbiz], if there’s an opportunity, let’s grab it!”

Ipinahayag naman ng binata kung gaano siya ka-proud sa kanyang ate.

“She’s a professional in everything that she does,” sey pa ni Abraham.

Samantala, trending naman ang isang video nito sa TikTok kung saan tinutulungan niyang magpasok ng mga maleta si Michelle sa kanilang kwarto noong lumaban ito sa Miss Universe 2023.

Base naman sa kanyang social media accounts lalo na sa Instagram ay makikitang malapit siya sa kanyang mga ate at Mommy Melanie Marquez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mothers provide the confidence we may lack in ourselves, understand our struggles and work to make a home full of joy and structure. They can also be present to those who are unfortunate to have such a blessing. My sisters Maxine and Michelle have been those blessings to me; beautiful yet humble, patient and loving… they in my heart are who I will always see as my mothers. Thank you,” sey nito sa isang IG post noong May bilang pagbati kay Melanie noong Mothers’ Day.

Hilig rin niya ang mag-explore sa nature pati na rincang pangangabayo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending